Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia, Ivana Alawi

Joshua handa ng ligawan si Ivana

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Joshua Garcia sa  isang Kumu Live session ng ABS-CBN kamakailan, tinanong siya ng hosts ng programa kung sino sa mga Kapamilya actress ang nais maging textmate. 

Ang sagot niya ay si Ivana Alawi.

Sabi ni Joshua, “Naka-chat ko na siya before, pero chat lang, wala namang malisya.

“Pero wala namang kahit ano. Ano lang, text lang. Textmate, eh.

“Pero hindi kami nagka-text nang matagal. Mas tawag. Mas tawag ako kaysa text, eh.”

Inamin din ni Joshua na nagkausap sila ni Ivana noong Disyembre.

Before, I think last month pa iyon, parang ganoon.

“Ngayon ‘di pa kami nagka-text uli. Pero okay lang,” aniya pa.

Sa tanong kay Joshua kung jojowain o totropahin niya si Ivana, ang sagot niya, “Siyempre, jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba?

“I mean, mabait, maganda, sexy.

 “Lahat sinabi na.

“Magiging choosy ka pa ba roon?”

Pero dagdag niya, ayaw niyang pangunahan ang mga puwedeng mangyari.

Hindi kasi lahat ng tao masasabi mong meant para maging magkarelasyon, eh.

“May parang nakatadhana sa iyo na mami-meet mo lang para maging kaibigan mo, kasi hindi mo masasabi.”

Kung type ni Joshua na jowain si Ivana, aba, eh ligawan niya na ang dalaga.

Base naman kasi sa mga past interviews ni Ivana ay mukhang type niya rin si Joshua. Kinikilig kasi siya kapag nababanggit sa kanya ang ex ni Julia Barretto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …