Sunday , December 22 2024

Doc Helen Tan, tunay na lingkod bayan

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI na nakapagtataka kung bakit labs na labs ng mamamayan ng Quezon province si 4th District Representative Doktora Helen Tan. Alam ba ninyo kung bakit?

Labs na labs din kasi ng ale ang mga kababayan niya… at isa sa mga patunay  ang  kaliwa’t kanang mga proyekto ng ale para sa taga-Quezon.

Yes! Higit na nakinabang at makikinabang pa ang mga mamamayan mg Quezon province.

Heto pa, hindi maitatanggi na kahit ang mga taga-barangay na nagta-chat o lumalapit sa kanya ukol sa kanilang mga problema ay inaaksiyonan niya agad.

Kamakailan, lumapit sa tanggapan ni Doktora Helen Tan si Kagawad Renan Ferrer ng Brgy. Concepcion Palasan para sa kanyang constituents na nangangailangan ng oxygen.

Aksyon agad ang kasagutan ng doktora – agad ipinagkaloob ng ale ang kailangang oxygen.

Iyan ang tunay na lingkod bayan lalo na para sa kaligtasan. Sa isang banda pa, nakita rin ng doktora ang pangangailangan ng pulisya sa bayan ng Calauag. Kailangan ng estasyon ng pulisya ng computer. Hayun, hindi na nagdalawang isip ang Kongresista at agad na nagpadala ng dalawa set ng computer.

Alam n’yo naman, kailangan ng mga alagad ng batas sa kanilang trabaho ang computer.

Kaya malaking tulong ito para sa kanila.

Hindi lang kay “The Gov Doctor” Helen nagpasalamat ang mga miyembro ng Calauag PNP kundi maging kay Atorni Mike Tan.

Maging ang tulay na mag-uugnay sa ilang barangay sa Calauag ay sinimulan na.

Naging dahilan ito para humanga pa lalo kay Doktora Helen ang maraming kapwa niya public servants.

Sabi nga, serbisyong tunay at natural ang dala ng kongresista.

Si Doktora Helen Tan ay tumatakbo ngayon bilang gobernadora ng Quezon.

Ang tulay na ipinagagawa, ayon kay Doktora Helen, ay para sa mga nakatira sa Barangay Tiniguiban, Brgy. Tamis, Brgy. Sinag at Brgy. Dapap.

Nakabibilib dahil alam talaga nina Doktora Helen at Atorni Mike na ang maayos na daan ay susi sa kanilang masaganang kabuhayan.

Ganyan ang mga proyektong napapanahon at kapaki-pakinabang para sa mga taga-Quezon.

Samantala, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang Republic Act No. 11642 o ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act” kung saan si Doktora Helen Tan ang principal author.

Kung hindi ako nagkakamali, sa pamamagitan ng nasabing batas, magtatatag ng National Authority for Child Care (NACC) na magiging isang attached-agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Doktora Helen Tan, layunin ng batas na magkaroon ng isang ahensiya na nakatutok sa maayos, mabilis, at tamang proseso ng pag-aampon.

Ayon kay Doktora Helen, isa sa mga layunin niya bilang may akda ng batas ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga nais at kalipikadong mag-ampon ng mas mabilis na proseso at dumaan sa pagsusuri ng ating mga eksperto.

Saludo po kami sa inyo, Doktora Helen “The Gov Doctor” Tan. Kung sana’y katulad ni doktora ang lahat ng lingkod bayan natin sa bansa, malamang sa malamang na ang lahat ng Pinoy ay kampante na sa.pamumuhay.

Mabuhay po kayo doktora. Nawa’y pamarisan ka. God bless you po!

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …