Tuesday , May 6 2025
Leni Robredo

Supporters ng ibang kandidato lumipat na kay Robredo

SA TULONG ng magandang pakita ni Vice President Leni Robredo sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” maraming supporters ng ibang kandidato sa pagkapangulo ang pumanig na sa kanya.

Sa panayam, iniharap ni Robredo ang kanyang posisyon sa iba’t ibang isyu, gaya ng pandemya, pagbangon ng ekonomiya, peace and order, kahirapan at iba pa.

Dahil sa malinaw na direksiyon ni Robredo, nagpasya ang mga tagasuporta ng iba pang presidential candidates na piliin siya bilang pambato sa darating na eleksiyon sa Mayo, sa pagsasabing siya lang ang tanging kalipikadong susunod na lider ng bansa.

Nagdiwang ang iba pang mga tagasuporta ni Robredo dahil pati mga kamag-anak nilang supporter ng ibang kandidato ay kampi na rin sa Bise Presidente.

“OMG my DDS and Marcos Apologist Dad said he’ll vote for Leni dahil sa mga sagot n’ya kanina, he also said that BBM disappointed him for refusing to participate HAHAHA,” wika ni Twitter user @RicsMillan.

“Mama— told me she’s voting for Isko. Di ko na ‘yan kinulit; like, bahala siya. But today, she chanted Leni, Leni, Leni kami while VP Leni is answering Jessica Soho’s questions. It was a good day, after all, thank you, God,” sabi naman ni @charmainedoble.

“My dad din. I think he’s voting for Leni na. Not because of the interview but we consulted BEK. Dati Lacson sya,” tweet ni @PinkieLeafy bilang tugon sa tweet ni @charmainedoble.

Pinuri rin ng netizenss at celebrities ang performance ni Robredo sa panayam, partikular ang kanyang pagiging kalmado sa pagsagot sa mga tanong ni Soho.

“VP Leni’s questions are quite striking and indeed controversial, but in all fairness I am shocked at how calm and composed she is. It’s impressive that she can answer the questions straight to the point, walang paligoy-ligoy. #JessicaSohoInterviews,” wika ni Twitter user @The13thSwiftie.

“Transparency and empowerment, galing! Husay! #LeniForPresident2022 #JessicaSohoInterviews,” tweet naman ni Dr. Gia Sison (@giasison).

Pati ang singer na si Erik Santos (@realeriksantos) humanga kay Robredo sa pagsasabing “Ang galing sumagot ni VP Leni!!! @lenirobredo”

Nag-tweet si Gab Pangilinan (@gabpangilinan) ng linya mula sa sagot ni Robredo sa interview.

“Long before I became a politician, I was already a public servant.” That’s my president. #LeniForPresident2022  #LeniKiko2022,” tweet niya. (30)

About hataw tabloid

Check Also

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa …

Raymond Adrian Salceda

Mayor Salceda: HEART 4S program para sa Albay 3rd district 

POLANGUI, Albay – Tiniyak ni Mayor Raymond Adrian Salceda ng bayang ito na matagumpay na …

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda Marikina

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda

ISANG INA ang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak, habang nasa payout event na inorganisa …

Sara Duterte Abby Binay

Abby Binay kinuyog ng pro-Duterte netizens sa pagbatikos kay VP Sara: ‘No vote idineklara’

KINUYOG ng ilang tila pro-Duterte netizens si Makati Mayor Abby Binay sa social media nang …