Sunday , December 22 2024

“Intercontinental Barkadahan Corp.”
IREGULARIDAD SA IBC, INALMAHAN NG UNYON

012422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAGPASAKLOLO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga empleyado ng Intercontinental Broadcasting Corporationm (IBC) para aksiyonan ang anila’y nagaganap na iregu­la­ridad sa state-run television network.

Sa liham kay Pangu­long Duterte, inilahad ng IBC Employees Union (IBCEU) na naghakot umano ng kanyang mga kabarkada si IBC President at Chief Executive Officer (CEO) Hexilon Josephat Thaddeus G. Alvarez at ginawang consultant na binigyan ng malalaking suweldo sa kabila ng lugmok na kalagayang pinansiyal ng state-run network.

“In spite the financial difficulties of the IBC for the past many years and at the present, the newly appointed President and CEO, Hexilon Josephat Thaddeus G. Alvarez, hired and engaged consultants and in some cases created positions to accommodate friends and associates with excessive compensations not fitting with the present financial condition of the IBC,” anang IBCEU sa liham sa Pangulo.

Hindi anila sumaila­lim sa Selection and Promotion Committee ng IBC at labag umano sa Procurement requirement alinsunod sa Republic Act 9184 ang pagkuha ni Alvarez sa serbisyo ng mga consultant.

Tinukoy ng IBCEU ang mga consultant na sina Roy Angelo Gonzales, pero kalauna’y itinalaga bilang Sales and Marketing Manager na may sahod na P40-60 libong suweldo kada buwan.

Ang dating Sales and Marketing Manager ay si Joseph Espejo , isang regular employees na tinanggal upang iluklok si Gonzales, anang IBCEU .

Nagbuo anila ng bagong opisina na Pollution Control Office si Alvarez at dito inilipat si Espejo.

Habang si Eduardo Robles, Jr., ay ginawang finance consultant ni Alvarez na may suwel­dong P50,426 at balak gawing regular na emple­yado para ipalit sa nag­retirong finance manager na si Dave Fugoso.

Si Marshall John Henry Gareza Manalo ay iniluklok bilang Information Technology (IT) manager na tumatanggap ng P50,426 sahod kada buwan.

Giit ng IBCEU, sa kabila ng naglalakihang suweldo ng mga naturang consultant, bawat isa sa kanila’y pinagkalooban pa ni Alvarez ng bonus na P120,000.

Bukod sa kanilang tatlo, kinuha rin ni Alvarez ang serbisyo ni Juan Carlos Gareza Ayeng at itinalaga sa IT Service Department na may buwanang sahod na P90,000.

Si Mary Jeanne de Mesa Laranas ay hinirang na Consultant and Specialist on Content and Production na may suweldong P50,000 kada buwan.

Sina Dwight Raymond Bailon ay nasa IT Departrment na may suweldong P30,000 bawat buwan at si Anthony Albert Espinola ay nasa Finance Department at tumatanggap ng P11,000 saod kada buwan.

Binigyan diin ng IBCEU na bukod sa malaking suweldo, hindi kailangan ang serbisyo ng mga nasabing consultant lalo na’t milyon-milyong piso ang utang ng management sa benepisyo ng mga manggagawa mula pa noong 2010 at milyones din ang atraso sa mga nagretirong empleyado.

Nais ng IBCEU na paimbestigahan ni Pangulong Duterte ang naturang isyu at iba pang mga pagmamalabis sa ilalim ng administrasyong Alvarez sa state-run TV network.

“To the mind of the union, there is here an abuse of authority and exercise of discretion and perhaps technical malversation of funds that partially belong to the government,” pahayag ng IBCEU.

Matatandaan noong 2020 ay napaulat na P200,784.58 kada buwan ang suweldo ng IBC President and CEO habang may apat na kawani nito sa Laoag, Ilocos Norte ay suma­sahod lamang ng mula mahigit P6,000 hanggang P8,577.50 isang buwan.

May apat na empleyado ang state-run network sa Palo,Leyte na tumatanggap ng P8,972.92 kada buwan.

Sila ay bahagi ng 19 kawani ng IBC-13 sa pitong provincial stations nito.

Lumalabas na ang pinakamababang sahod ng kawani ng IBC-13 ay halos 4% lamang ng suweldo ng kanilang President at CEO.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …