Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Book 2 ng Prima Donnas, mas maraming pasabog ayon kay Jillian Ward

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA gitna uncertainty na dulot ng pandemya, ang top rating TV series na Prima Donnas ay nagbabalik upang maghatid ng mga mas kapana-panabik na mga eksena na tutukan ng mga suking televiewers nito.

Dito’y nagbabalik ang teen stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo bilang sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.

Nang aming nakahuntahan si Jillian, nabanggit niya kung ano ang dapat asahan sa kanilang nagbabalik na serye.

Lahad ng magandang Kapuso teen star, “Mas maraming pasabog and twists po itong Book 2 ng Prima Donnas.

“Dapat abangan po nila dahil may mga bagong characters na papasok dito. Abangan din po nila kung ano ang gagawin ni Mayi para ipaglaban ang mga kapatid nya at kung paano po lalabanan ni Mayi ang mga challenges na darating sa buhay nya,” sambit pa ni Jillian hinggil sa ginagampanang karakter.

Ang character ba niya sa Book-2, may changes na makikita ang manonood?

Esplika ni Jillian, “Si Mayi po kasi, siya po yung pinakamabait, pinakamapag-alaga sa magkakapatid, and sabi nga po ni direk Gina Alajar, si Mayi po, ‘Very pure-hearted,’ siya.

“Pero siyempre po, may mga bagong challenges na darating sa buhay niya. Abangan po nila kung paano maaapektuhan si Mayi sa mga nakakagulat na twists na mapapanood sa Prima Donnas.”

Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

Aniya, “Well, kasi po ay katatapos lang po ng three month long lock-in taping namin sa seryeng ito, so, sa ngayon po ay nagpapahinga lang muna ako sa bahay. Nagpa-practice rin po ako ng mga kanta and sayaw, para sa 2022 po, recharged and ready po ako.”

Nagsimula nang umerer ang Prima Donnas Season 2 last week sa GMA Afternoon Prime. Bukod kay Direk Gina, direktor din dito si Philip Lazaro.

Tampok din sa serye sina Aiko Melendez, Katrina Halili, James Blanco, Benjie Paras, Elijah Alejo, Miggs Cuaderno, Will Ashley, Vince Crisostomo, Bruce Roeland, Allen Ansay, Sheryl Cruz, Chanda Romero, Angelika Santiago, at Wendell Ramos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …