Saturday , November 16 2024
Bulacan Police PNP

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam na iba pa sa serye ng mga anti-drug sting na ikinasa ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 19 Enero.

Kinilala ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Rolando Hallasgo, alyas Tisoy. 

Batay sa ulat, unang nagpaputok ng baril si alyas Tisoy matapos ang napagkasunduang transaksiyon sa droga sa Sitio Panaklayan, Pabahay 2000, Brgy. Muzon, San Jose del Monte, dakong 10:55 pm, kamakalawa.

Dito napilitang gumanti ng putok ang mga alagad ng batas na nagresulta sa pagkamatay ni alyas Tisoy, samantala nagawang makatakas ng kaniyang kasabwat.

Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, mga basyo at bala, buy bust money, isang Rusi Flair motorcycle, at isang cellpohne.

Samantala, sa ikinasang buy bust operations ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Plaridel, Pandi, at San Rafael MPS, nasukol ang anim na hinihinalang tulak na kinilalang sina Simplicio Castillo, Jr., alyas Bong, ng Brgy. Bulihan, Plaridel; Rodante Rodriguez, alyas Nonoy, ng Brgy. San Roque, Pandi; Edison Aguilar, alyas Nad, ng Brgy. Saog, Marilao, pawang kabilang sa drug watchlist; Jessica Clemente ng Brgy. Makinabang, Baliuag; Melba Maceda ng Brgy. Bulihan, Plaridel; at Marlon Pigurin ng Brgy. San Roque, Pandi.

Naging daan rin ang inilatag na Comelec Checkpoint ng Plaridel MPS upang maaresto ang dalawang child in conflict with the law (CICL) na may edad 16 at 17 anyos nang sila ay parahin ng mga awtoridad  sa paglabag sa hindi pagsusuot ng helmet.

Nang beripikahin ng mga awtoridad, nakuha sa kanilang pag-iingat ang hinihinalang shabu kaya sila ay dinampot at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165, RA 4136 at RA 10054.

Sa ikinasang pagtugis, nasukol ang suspek na si Ryan Agustin ng Brgy. Mabolo, Malolos nang pumuslit sa nakalatag na checkpoint na Oplan Sita habang sakay ng isang  tricycle kung saan nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang hinihinalang shabu.

Nasamsam ang may kabuuang 21 pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money sa serye ng mga nabanggit na drug sting at police operations ng Bulacan PNP laban sa ilegal na droga at masasamang elemento. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …