HARD TALK
ni Pilar Mateo
SA sashing and crowning ng mag-inang Maffi at Imelda Papin kamakailan bilang mga Ambassadors ng Woman of the World 2022, na sila ang lalaban sa pandaigdigang patimpalak sa taong ito, in celebration of International Women’s Day, nabanggit ng kinilala ring Jukebox Queen na tumatakbo sa pagka-Gobernador ng CamSur ang itutuloy niyang naunsyaming proyekto para sa film industry workers.
Ito ang pagbibigay ng pabahay sa mga miyembro ng Actors Guild na pinamumunuan niya at ng iba pang samahang nasa ilalim nito.
Ilang panahon na ang nakalilipas, isa kami sa nakatatanda na minsan na nilang pinlano ng yumaong star-builder na si Kuya Germs ang pagbibigay ng Village of the Stars sa Movielandia Hills sa ilalim ng Sentosa Park Development Corporation.
Pero sa kung anong mga kadahilanan ay hindi na nga ito natuloy at wala ng naging balita.
Napakaganda sana ng plano nina Mel at Kuya Germs sa village na itatayo sana sa San Jose del Monte sa Bulacan.
Kaya nang mausisa ito kay Mel, sinabi niyang inihahanda na niya ang mga bagay tungkol sa pagpapatuloy sa naunang plano.
“Nakakita na tayo ng lupa kung saan na ito maitatayo. Na sana ay agad na rin nating mabili. We’ll have a time to discuss about that very soon. In the meantime, I just want to savor this moment with my daughter on this stage where, magkasalo naming ibabahagi sa inyo ang aming magkatuwang na advocacies na nasimulan na at nais pang pagyamanin. Nakaka-surprise itong regalo sa amin ng Mother of All Pageants na si Ovette Ricalde, para kami ang mapili to represent our country, as women of empowerment.”
Sa pagtakbo naman niya sa politika para ipagpatuloy sa mas mataas na antas ang pagiging Bise-Gobernador niya, handang-handa na si Mel sa laban niya.