PINAPURIHAN ng top cop ng Central Luzon na si P/BGen. Matthew Baccay ang pulisya ng PRO3 PNP sa pagkakadakip ng apat na Most Wanted Persons (MWPs) sa 24-oras manhunt operations sa buong rehiyon nitong Miyerkoles, 19 Enero.
Sa ulat ni P/BGen. Baccay, nadakip si Celso Dela Tena, 28 anyos, kabilang sa most wanted persons ng Central Luzon, ng mga elemento ng Bamban MPS, RIU3, PIT-Tarlac PPO, PIT-NEPPO, Talavera MPS, NEPPO, 1st PMFC TPPO, PIDMU TPPO, PIB TPPO at 304th MC, RMFB3 sa manhunt operation sa Brgy. Anupul, Bamban, Tarlac para sa kasong Murder.
Gayondin, matapos ang pagtatago sa batas sa loob ng mahigit pitong taon, nasakote ang top 1 most wanted person ng Tarlac na kinilalang si Christopher Manuel, 32 anyos, ng mga operatiba ng Tarlac CPS, RIU3, Tarlac PIT, PIU Tarlac PPO at PIDMU Tarlac PPO sa manhunt operation sa Brgy. Suizo, lungsod ng Tarlac, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kinakaharap nitong kasong Murder.
Samantala, nasukol ng pulisya ng Nueva Ecija si Ramil Pardua, 56 anyos, retired army, nakatala bilang top 2 most wanted person ng Nueva Ecija, ng operating troops ng Palayan CPS, RIU3 at PITNE sa manhunt operation sa Brgy. Militar, lungsod ng Palayan City, kaugnay sa kasong Kidnapping na isinampa laban sa kaniya.
Nakorner rin ang nakatalang most wanter person ng Nueva Ecija na si Alberto Reyes, 40 anyos, na bumagsak sa kamay ng mga awtoridad matapos ang siyam na taong pagtatago sa kasong kinakaharap.
Dinakip ang suspek ng mga elemento ng Talavera MPS, 2nd PMFC at PIU, NEPPO sa Brgy. Minabuyok, Talavera, Nueva Ecija sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder. (MICKA BAUTISTA)