AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
SA KABILA ng pagsiskap ng gobyerno para magpabakuna na ang lahat laban sa nakamamatay na CoVid-19, marami pa rin ang natatakot magbakuna. Kesyo, walang kuwenta raw ang magpabakuna dahil may mga bakunado na nahahawaan pa rin at mayroon din mga namatay.
Totoo naman ang sinasabing dahilan ng ilan kaya hindi natin sila masisi, pero hindi naman nagkulang ang gobyerno sa pagsasabing kahit ikaw ay bakunado ay mahahawaan ka pa rin pero…tandaan, mayroong pero. Oo, mahawaan man ang isang bakunado na, pero mas ligtas naman siya kaysa hindi bakunado.
Nahawaan man ang bakunado pero hanggang mild lang ang mararamdaman hindi tulad ng hindi bakunado aabot siya hanggang sa ICU ng ospital. Gets ninyo naman siguro ang ibig kong sabihin. Habang iyong mga namatay na bakunado ay nakitaan ng ibang dahilan ang kanilang pagkamatay – may mga karamdaman na.
At ang mga pilosopong dahilan ng iba naman na ayaw magpabakuna ay… magiging zombie raw balang araw ang mga bakunado. Ewan!
Isa sa nagpatunay na epektibo o malaking
naitutulong ng bakuna sa mga nahawaan ay si senatorial aspirant Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar. Nitong nakaraang linggo ay napaulat na siya ay positibo sa CoVid-19.
Dahil bakunado si Eleazar, parang ordinaryong sakit lamang sa kanya ang CoVid-19 bagamat nag-quarantine pa rin ang mama. Ibig kong sabihin, hindi siya naospital o hindi serious ang kanyang naging kalagayan.
‘Ika nga ni Senator Eleazar, tama lamang ang kanyang naging desisyon na magpabakuna siya.
Paano kaya kung hindi bakunado si Eleazar? Malamang baka naging malala ang kanyang kalagayan at baka hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa siya laban sa “veerus.”
Sa huling update ni Eleazar sa kanyang kalagayan, nasa ika-siyam na araw na siyang naka-home isolation at wala siyang masamang nararamdaman. Meaning hindi malala ang kanyang kalagayan. Bakunado kasi ‘di ba? Hindi lang first at second kung hindi nakapagpa-booster na ang senador. He he he…
.
“Kung titingnan natin, e parang sipon lang, isang araw o dalawang araw. After that asymptomatic na. Kaya napakaganda talaga na mayroon tayong bakuna, fully vaccinated at may booster shot pa para siguraduhing hindi tayo maaapektohan, most of us, kung tayo naman ay maganda ang kalusugan,” pahayag ni Eleazar sa video uploaded niya sa kanyang personal Facebook page.
Habang araw-araw na patuloy ang paglobo ng bilang ng nahahawaan, nananawagan ang dating PNP Chief, na dapat, lalo pang paigtingin ng gobyerno ang programa sa pagbabakuna para sa kaligtasan at proteksiyon ng nakararaming kababayan natin laban sa CoVid-19.
Isa sa suhestiyon ni Eleazar ay house-to-house vaccination para ang mga walang panahon na makapunta sa vaccination site ay siguradong mabakunahan lalo ang may mga comorbidities at senior citizens.
E paano kung magtatakbo at magtago pa rin ang mga ‘normal’ sa kabila ng lahat? Aba’y ibang klaseng usapan na iyon. Arestohin at ikulong na ang mga iyan sa ICU na may pasyenteng malala ang tama sa CoVid-19. Hehehe joke lang. Siyempre, kombinsihin pa rin sila. Paliwanagan nang mabuti.
“Napakaganda na pupuntahan na ang mga bahay-
bahay para ma-encourage na mas marami pa ang magpabakuna. Ito ay magandang measure dahil ang ibang mga kababayan natin ay wala nang rason para umiwas pa sa pagbabakuna,” dagdag ni Eleazar.
Nananawagan pa rin si Eleazar sa mga
nag-aalangan na magpabakuna dahil nakita at naranasan at napatunayan na kapag ikaw ay bakunado ay talagsng protektado ka laban sa CoVid-19.
Tama si Eleazar sa panawagan niya bilang
nagpapatunay sa kahalagaan ng bakuna. Magpabakuna na kayo mga kababayan at huwag na ninyong hintayin pang mahawaan at malagay sa peligro ang inyong buhay. Baka pagsisihin mo pa ang lahat o baka wala ka nang oras pang magsisi dahil tuwid na ang dalawang paa mo. Hihintayin mo pa bang mangyari ito? Magpabakuna na kayo.