Tuesday , November 19 2024
Covid-19 Kamara Congress Money

Sesyon suspendido dahil sa pagtaas ng covid-19 cases

SINUSPENDE ni House speaker Lord Allan Velasco ang sesyon ng Kamara dahil sa dumaraming kaso ng CoVid-19 sa bansa lalo sa Metro Manila.

“We have decided to suspend the plenary sessions for the rest of the week because of the continuing surge in CoVid-19 cases in almost every corner of the metropolis, and the House of Representatives is no exception,” ani Velasco.

Aniya, napagdesisyonan nilang isuspende ang sesyon upang maapula ang pagdami ng CoVid-19 na nakaapekto sa higit 70 kongresista at mga empleyado ng Kamara.

“We arrived at such decision to control the spread of the fast-moving coronavirus that has also affected our members and staff. Since the start of the year, more than 70 House members and employees have contracted the virus and many others are undergoing quarantine or self-isolation after exhibiting symptoms or having close contact with people who tested positive for CoVid-19.”

Umaasa si Velasco, bababa rin ang mga kaso ng CoVid-19 sa 24 Enero kung kailan babalik ang sesyon.

“The House will resume session on January 24 and we hope that the CoVid-19 situation has already improved by then so we could finish all pending priority measures before we adjourn for the election period,” pahayag ng speaker. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …