Monday , December 23 2024
dead gun police

Sa Guagua, Pampanga
BRGY. CHAIRMAN NIRATRAT, TODAS

NABULABOG ang mga residente nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa isang gasolinahan sa Brgy. Sto Niño, bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga, nitong Lunes ng gabi, 17 Enero 2022.

Tumambad sa mga residente ang duguan at wala nang buhay na katawan ng lalaki habang mabilis na lumakad paalis sa lugar ang hindi kilalang suspek.

Sa ulat mula sa Guagua Municipal Police Station, kinilala ang biktima ng pamamaril na si Barangay Sto. Niño Chairman Ranier Asban, 45 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon bago ang insidente, nakatayo ang biktima sa ECHO Gas station sa nasabing barangay at gumagamit ng cellphone nang pagbabarilin ng naglalakad na suspek saka tumakas patungong Feeder Road, Brgy. Sto. Cristo, sa nabanggit na bayan.

Kasunod nito, nagsagawa ng dragnet operation ang pulisya at ipina-flash alarm para sa posibleng pagdakip sa suspek na nakasuot ng itim na kamiseta, short pants, at surgical facemask. 

Kinondena ni Guagua Mayor Dante Torres ang nangyaring pagpatay at nakikipagtulungan na sa pulisya para sa mabilis na pagresolba sa kaso. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …