Saturday , November 16 2024
Menardo Guevarra DOJ BuCor

Nagsumbong sa Malacañang
GUEVARRA DESMAYADO SA KARAHASAN SA BUCOR

MATAGAL nang desmayado si Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga karahasang nagaganap sa Bureau of Corrections (BuCor) pero tali ang kanyang mga kamay para tuldukan ito.

Ayon kay Guevarra, hindi na sakop ng DOJ ang pagpapataw ng disciplinary action sa mga pabayang opisyal ng BuCor.

Napaulat na tatlong detenido ng NBP ang nakatakas kamakalawa, dalawa sa kanila’y napatay habang ang isang nakapuga nang buhay ay si Drakilou Falcon, may kasong robbery with homicide.

Kahapon, napag-alaman, may isa pang bilanggo ang nawawala, si Candas Ablas na may kasong robbery with homicide.

May pabuyang P100,000 sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan nina Ablas at Falcon.

Sa panayam sa programang Ted Failon at DJ Cha-cha sa Radyo Singko kahapon, inihayag ni Guevarra na ipinarating na niya sa Malacañang ang pagkadesmaya sa mga nagaganap na karahasan sa BuCor.

“Ini-report ko rin ito sa Office of the President, sinabi ko na matagal na rin akong disappointed sa mga nangyayari sa Bureau of Corrections dahil nga sa mga ganyang violent incidents,” anang kalihim.

Gusto umano ng DOJ na patawan ng parusa ang mga nagpabayang BuCor personnel pero matagal na silang walang kontrol sa kawanihan at hanggang rekomendasyon na lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa nangyari ang puwede nilang gawin.

“Dati ang DOJ ay may control over the Bureau of Corrections pero noong magkaroon ng BuCor Law noong 2013, kung ‘di ako nagkakamali, ay naging general supervision na lamang ang role ng DOJ. Kaya ‘yang disciplinary action against negligent officials, napunta na ‘yan sa balikat ng mga appointing authority, kaya’t inire-recommend ko nga sa Malacañang na lapatan ng kaukulang administrative sanctions ‘yang mga nagpapabaya sa tungkulin,” ani Guevarra.

Gayonman, inutusan ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang naganap na pagpuga at mga riot sa BuCor. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …