Sunday , December 22 2024
money Covid-19 vaccine

Saan napunta?
P70.92-B INUTANG NG PH PAMBILI NG BAKUNA

ni ROSE NOVENARIO

UMABOT sa P70,92 bilyon ang inutang ng administrasyong Duterte mula sa apat na international financial institutions para ipambili ng bakuna kontra CoVid-19.

Inihayag ito ng grupong Bantay Bakuna, isang alyansang multi-sektoral para sa komprehensibo, pantay, makatao at transparent na CoVid-19 vaccine roll-out.

Naitala ng Vaccine Supply Tracker ng grupo na hanggang noong 9 Enero 2022 ay nangutang ang gobyerno para ipambili ng CoVid-19 vaccine mula sa World Bank ng P24.2 bilyon, Asian Infrastructure Investment Bank ng P14.57 bilyon, at Asian Development Bank (ADB) ng P12.7 bilyon.

Habang ang kabuuang supply ng bakuna na natanggap simula Pebrero 2021 hanggang 9 Enero 2022 ay 213,487,520 vaccine dosis.

Kabuuang bilang ng mga nabakunahan hanggang 15 Enero 2022 (1st, 2nd and booster dose): 118,624,466 vaccine dosis.

Tinatayang may natitirang 94,863,054 vaccine dosis.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 22 Disyembre 2022, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., 70 milyon dosis na lamang ang binili ng pamahalaan mula sa naunang planong 90 milyong dosis.

Umabot aniya sa 63.5 milyong dosis ang donasyon sa Filipinas mula sa CoVid-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility bukod pa sa 10.2 milyong dosis na ibinigay ng US government.

Ang iba pa aniyang donasyon ay mula sa The Netherlands, European Union, France, United Kingdom, Syria, Poland, Germany, at China.

Hanggang sa kanyang ulat kagabi sa Talk to the People, walang binanggit si Galvez na kuwentada kung magkano na ang ginugol ng gobyerno para ipambili ng bakuna.

Base sa COVID-19 Vaccination Tracker  ng Bantay Bakuna, hanggang noong 15 Enero 2022 may 55,093,311 Filipino fully vaccinated o ang nakatanggap ng ikalawang dose ng bakuna o 49.99% ng populasyon.

Target ng gobyerno para sa herd immunity: 70% (77 milyong Filipino) hanggang 90% (99 milyong Filipino) ng populasyon.

Kasalukuyang rate ng pagbabakuna (7-day average) ay may 806,954 bakuna kada araw.

Kinakailangang rate ng pagbabakuna para maabot ang target ng gobyerno sa Pebrero 2022 ay 822,686 bakuna kada araw

Kung magpapatuloy ang kasalukuyang takbo ng pagbabakuna, aabutin ng isang buwan para maabot ang target na mabakunahan ang 70% ng populasyon o 77 milyong Filipino.

            Hanggang tatlong buwan naman para maabot ang target na mabakunahan ang 90% ng populasyon o 99 milyong Filipino.

Sinabi ni Galvez sa Talk to the People kagabi, 4.7 milyong Pinoy pa lang ang nakatanggap ng booster shots o may average na 267,900 dosis kada araw.

Mababa aniya ito kaya’t kailangan paspasan upang maabot ang output na 500,000 kada araw para makamit ang target na 72.16 milyon booster doses ngayong taon.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …