Saturday , November 16 2024
marijuana

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
P.3-M ‘OMADS’ NASAMSAM

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P300,000 halaga ng hinihinalang marijuana sa ikinasang anti-illegal drug bust operation ng operating units ng SDEU ng Cabanatuan CPS, buy bust operation sa District 1, Brgy. San Juan Accfa, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Nadakip sa naturang operasyon ang suspek na kinilalang si Justine Jay Cruz, alyas Jay-jay, 21 anyos, residente sa Brgy. Mabini Extension, sa nabanggit na lungsod.

Nakompiska mula sa pag-iingat ng suspek ang limang selyadong plastic sachets at tatlong bloke ng hinihinalang marijuana na tinatayang may timbang na 2.5 kilo at may DDB (Dangerous Drug Board) value na P306,600; at P500 bill na marked money.

Kasalukuyang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …