Friday , November 15 2024

Bakuna o kita na may kaakibat na virus?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PATULOY na lumolobo ang bilang ng mga nahahawaan ng CoVid-19 partikular ang pinakahuling variant na Omicron.

Bagamat sinasabing huwag masyadong mabahala sa Omicron dahil mild lang naman ang tama nito sa mga nahawaan at hindi nagreresulta sa kamatayan, mahirap pa rin ang magpakampante.

Kung ang fully vaccinated nga o ang mga nakapag-booster na ay nahahawaan pa rin, huwag pa rin maging kampante, kinakailangan pa rin ng buong pag-iingat tulad ng pagsunod sa mga pinaiiral na health protocols.

Pero sa kabila pa rin ng lahat, malaki pa rin ang naitutulong ng bakuna dahil kung hindi, severe ang tama sa mga nahawaang unvaccinated na karamihan ay sa ICU ang bagsak. Ang mga vaccinated na nahawaan ay sa “ordinary room” lang o sa isolation facilities lang dinadala for observation.

Simula nang manalanta ang CoVid-19 na nauwi sa pandemya, hindi lang ang medical health workers na ikinokonsiderang frontliners ang laging nalalagay sa peligro o sumusuong sa labas kung hindi maging ang delivery boys mula sa iba’t ibang delivery services company – tinutukoy natin ay ang mga rider – iyan ang mas kilalang tawag sa kanila.

Araw-araw din sumusuong sa peligrong dulot ng CoVid-19 ang mga rider mula sa iba’t ibang delivery apps na kompanya. Ang tanong, bakunado na nga ba ang lahat ng kanilang riders? Pero kahit na paano, mayroon nang mga bakunado habang marami ay hindi pa rin bakunado.

Sa pagtatanong natin, karamihan sa bakunado na ay nagboluntaryong magpabakuna without the effort o initiative ng kanilang apps delivery service company.

Opo, inisyatiba nila ang pagpapabakuna at hindi inisyatiba ng delivery apps company. Ang naging role lang daw ng kompanya ay suhestiyon na magpabakuna sila. Kaya kanya-kanya ang mga rider.

Sa puntong ito, tama ang panawagan ni senatorial aspirant  (retired PNP Chief) Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, sa delivery application services (companies) na dapat magkaroon sila ng inisyatiba para mabigyan ng CoVid-19 vaccines at booster shot ang kanilang riders at hindi iyong kanya-kanya sa pagbabakuna.

Sa ngayon, batay sa mga nakausap kong riders, kanya-kanya sila sa pagbabakuna.

Umaapela si Eleazar sa pamunuan ng delivery applications tulad ng Mr. Speedy, Lalamove, FoodPanda, Shopee, Lazada at iba pa, na tiyakin ang seguridad at proteksiyon ng kanilang riders na araw-araw naka-expose sa banta ng coronavirus.

“Sa linya ng kanilang trabaho, talagang expose ang mga rider sa virus dahil kung sino-sino ang nakasasalamuha nila at lagi silang nasa kalsada kaya dapat lang na masigurong protektado sila laban sa CoVid-19,” pahayag ni Eleazar.

“Umaapela ako sa mga pamunuan nitong mga delivery app services na alamin kung sino sa mga rider nila ang hindi pa bakunado o wala pang booster at sila na sana ang tumulong para sila ay magpabakuna,” dagdag ni Eleazar.

Umapela si Eleazar, matapos ihayag ng Grab Philippines na kailangan sumailalin sa weekly CoVid-19 testing ang kanilang unvaccinated drivers at delivery riders.

“Sang-ayon tayo sa regular na pagte-test pero sana masigurong ito ay sagot ng mga kompanya at hindi ng rider upang hindi na makadagdag pa sa iintindihin nilang gastusin,” pahayag ni Eleazar.

Maganda ang ideya ng Grab na kailangan sumailalim sa CoVid-19 testing aang kanilang mga driver at rider, pero sino ba ang sasagot sa bayaran? Okey lang sana kung ang pamunuan ng Grab o iba pang delivery apps services ang sasagot sa bayarin pero hindi naman yata, kaya hindi ba mas maganda kung makipag-coordinate ang delivery apps services sa LGUs para masiguro ang proteksiyon ng kanilang riders?

Libre naman ang bakuna kaysa lingguhang magpa-swab ang kanilang riders. Oo nga’t may libreng swab pero ang lingguhang pagpapa-test ay malaking abala. Kaya, ang dapat ay kunin ng kompanya ang pangalan ng kanilang unvaccinated riders at drivers para isumite sa LGUs upang mairehistro at mabigyan ng schedule ang riders na matigas ang ulo, ang ayaw magpabakuna ay tanggalin na. Oo tanggalin na at huwag panghinayan ang kikitain sa drivers.

Ang suhestiyon ni Eleazar ay hindi lamang para sa seguridad at proteksiyon ng riders/drivers kung hindi para na rin sa kanilang mga kustomer. O ano pang ginagawa ninyong delivery apps services, kilos na…ang dami ninyong drivers/riders na unvaccinated pa. Ilan ay hindi naman takot kung hindi sayang daw ang kanilang kikitain.

Ano ba ang mas importante ngayon, bakuna o ang kikitain na magreresulta sa kamatayan?

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …