ARESTADO sa magkakahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Pampanga at Rizal ang apat na itinuturing na most wanted persons (MWPs) ng Zambales.
Ayon kay Zambales Provincial Police Director, P/Col. Fitz Macariola, unang nadakip sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga si Ronald Sabado na pitong taon nang nagtatago dahil sa kasong carnapping.
Nadakip din ng pulisya sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, si Shiela Marie Martin na nahaharap sa apat na bilang ng kasong Estafa.
Nalambat sina Timothy Joseph Lubong sa kasong Serious Physical Injuries at Maria Lowhela Ednalan sa kasong Theft. (MICKA BAUTISTA)