Saturday , November 16 2024
Bulacan Police PNP

2 notoryus na tulak nasakote sa Bulacan

SA GITNA ng pagkalat ng Omicron variant ng CoVid-19, nadakip ang dalawang pinaniniwalaang mga talamak na tulak ng ilegal na droga sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoes, 12 Enero.

Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang nadakip na suspek na sina Emmanuel Encio, alyas Rocky, ng St. Louis Compound 3, Malinta, Valenzuela; at Angelita Ramos, alyas Lita, ng Brgy. Abangan Norte,  Marilao.

Nakompiska mula sa mga suspek ang tinatayang P222,360 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Marilao Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Poblacion 1, sa nabanggit na bayan, dakong 11:30 pm, kamakalawa.

Nakompiska sa dalawa ang tatlong piraso ng selyadong plastic sachet ng shabu na tinatayang may timbang na 32.7 gramo at Dangerous Drug Board (DDB) value na P222,360 at buy bust money. 

Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek sa Marilao MPS Custodial Facility at nakatakdang sampahan ng kinuukulang kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …