UMANI ng negatibong komento sa social media dahil sa pinalutang na Isko-Sara tandem sa 2022 elections
Imbes umanong makatulong, tila lalo pang nabaon si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, matapos batikusin maging ng kanyang mga tagasuporta dahil sa kanyang pag-iwan sa ere sa kanyang running-mate na si Doc Willie Ong.
Pakiramdam ng kanyang mga tagasuporta tila pinagtaksilan sila ni Isko nang talikuran ang kanyang running-mate para lamang makapuntos sa eleksiyon.
“Si Yorme nanonolongges na. Hindi na alam kung saan kukuha ng boto,” ayon kay @MarkusMyBoy sa Facebook.
Isa pang netizen na si @Beckz De Castro Aguas ang bumanat kay Moreno dahil sa pang-iiwan at tila ‘itinuring na basahan si Ong.’
Giit ng netizen na si @Jimmy Condicion: “Kawawa naman ‘yung VP niya. Nakahihiya naman! Mga ipinapakita n’yo lalo s’yang hindi mananalo. Makakuha lang ng boto, ganyan ang gagawin ni Isko.”
Ang pinalutang na Isko-Sara tandem na utak umano ng campaign strategist ni Isko ay hindi rin nagustuhan ng ilang political leader sa Mindanao kasabay ang paalaala sa milyong supporters ni vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte na maging maingat at mapanuri sa gimik ng kampo ni Moreno.
“This is really an annoyingly fantastic idea. I don’t know where they got the audacity to assume that Inday Sara, who has already committed as BBM’s running-mate, will be entertaining this wild fantasy. Well, they can dream on, this is a free country anyway. But this is out of bounds and unacceptable. No one is buying this idea,” ayon sa isang kilalang politiko sa Davao region at miyembro ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na kilalang malapit sa mga Duterte.
Ayon sa HnP bigshot, tumangging magpakilala, ang totoong biktima rito ay si Doc Willie Ong, na ginamit lamang ni Moreno sa kanyang maruming politika para makaungos sa kampanya.
“This just shows who Moreno really is, as a person and as a politician. He will pounce on anything and will bite on everything just to satisfy his lust for power. This is one kind of a person that Inday Sara will not team up with, ever,” ayon sa politiko.
Pinaalalahanan din ng HnP bigshot ang mga botante kung paano iniwan ni Isko ang kanyang mentor noon na si Manila Mayor Lito Atienza matapos ang dalawang terminong samahan at lumipat sa partido ni Alfredo Lim.
Kinalaunan ay iniwan din niya si Lim at sumama naman sa partido ni Joseph Estrada na hindi rin nagtagal ay kanyang binanatan at iniwan para lamang manalong alkalde sa Maynila.
Nitong Setyembre, binanatan din ni Isko si Presidente Rodrigo Duterte dahil umano sa kapalpakan sa pagresponde sa pandemya.
“‘Yung mga pasanggano-sangganong sagot nabili na ‘yan. Kumita na ‘yan nung 2016. Nabili na ‘yan. Gusto n’yo ng sanggano baba kayo sa gobyerno, punta tayo sa Tondo, sa Moriones, bibilhin namin kayo, total nagbebenta kayo ng away e,” ayon sa pahayag noon ni Moreno.
Pero nito lamang Disyembre, matapos pormal na umatras sa laban sa pagka-pangulo si PDP-Laban standard-bearer Sen. Bong Go, tila nagbago ng tono si Moreno at inalok ang sarili para iendoso ng pangulo.
“Because we cannot ignore what he has done for the country,” ani Moreno.
Noon namang Hunyo 2021, binanatan din ni Moreno si Sara matapos umugong ang pagtakbo nito bilang pangulo.
“Ang demokrasya, ang taong bayan ang pumipili, hindi ipinipili ‘yung mga kalahi n’ya pagkatapos n’ya. Hindi ako naniniwala na ang posisyon sa gobyerno minamana. I’m not gonna vote for that,” ayon kay Moreno sa isang panayam sa telebisyon.