Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ynez Veneracion Jianna Kyler Keilah

Ynez Veneracion, nakatutok sa pagiging ina kina Jianna Kyler at Keilah

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Ynez Veneracion na gusto man niyang humataw nang humataw sa showbiz, pero dahil baby pa ang kanyang bunsong si Jianna Kyler, mas okay sa kanya ang mag-guest na lang muna sa iba’t ibang TV shows.

Pahayag ng aktres, “Sa totoo lang, gusto kong mag-taping nang mag-taping, pero sana iyong mga short guestings lang… like mga two days, two days taping, ganyan.

“Hindi ko pa kasi rin keri yung quarantine, tapos lock-in taping. Kasi may baby ako and gusto ko sana na mag-spend ng time talaga sa aking baby. Kasi, hindi ba, minsan lang silang maging baby? So, maganda na yung matutukan mo talaga ang iyong anak habang baby pa.”

Bukod sa kanyang bunso, naka-focus din si Ynez sa pagiging ina sa eldest niyang si Princess Keilah.

Inusisa namin si Ynez kung interesado bang pumasok sa showbiz ang kanyang panganay? Wika ng aktres, “Naku, oo! Sabi ni Gov (tawag ni Ynez kay Rep. Toto Mangudadatu na dad ni Keilah) sa kanya, mag-law siya. Pero sabi niya, ‘I wanna be an actress, like mommy’.

“Pero sabi ko okay lang yun, pero dapat maging businesswoman din siya dahil mahirap din ang buhay-showbiz minsan,” pakli pa ni Ynez.

Kung sakali ay papayagan naman daw niya si Keilah, pero kapag nakapagtapos na ito ng pag-aaral. “Yes, pero after siguro ng school niya. Sa ngayon priority ang pag-aaral,” pakli pa ni Ynez.

Anong klase ba siyang mommy?

Aniya, “Hindi ako masyadong strict. Bina-balance ko lahat. Minsan nai-spoil ko kasi nga, gusto kong ibigay yung mga kasiyahan na hindi ko nakamit noong kabataan ko. Pero kapag sa tingin ko na nasosobrahan na, I know how to stop naman. Then kinakausap ko siya sa mga dahilan kung bakit ‘di ko ibinigay yung mga ibang gusto niya. So balance lang talaga.”

Para sa kanya, ano ang pinaka-the best sa pagiging mommy?  

Esplika ng aktres, “Being able to love in the purest way. An awakening that unconditional love is for real. Sa tingin ko iyan ang pinaka-the best sa pagiging isang ina.”

&&&

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …