Itinalaga na si P/Col. Rommel Javier Ochave sa kanyang posisyon bilang bagong Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO) simula noong Sabado, 8 Enero.
Pinalitan ni P/Col. Ochave si P/Col. Manuel Lukban, Jr., na nagsilbi bilang Acting Provincial Director ng Bulacan PPO sa halos tatlong.
Kabilang si Ochave sa Philippine National Police Academy Class of 1996 atnagsilbing hepe ng Intelligence Division ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bago naging Acting Provincial Director ng Bulacan PPO.
Ipinunt0 ni P/Col. Ochave na ang pagganap sa kanyang bagong mandatong gawain bilang Acting PD ng Bulacan PNP ay may katapatan at kagandahang-loob.
Pinagtibay din niya na ang buong puwersa ng Bulacan PNP sa tulong at suporta ng komunidad ay ipagpapatul0y ang walang tigil na pagsusumisigasig sa pagpapatupad ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na dr0ga, terrorismo at susugpuin ang lahat ng uri ng krimen upang matiyak na ang darating na eleksiy0n sa Mayo 2022 ay magiging mapayapa sa buong lalawigan.
Bukod sa bagong Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, itinalaga rin ang wal0ng bag0ng Chief of Police sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa Bulacan.
Ito ay sina P/Maj. Rodrigo Sahagun, Officer-in-Charge (OIC) ng Angat MPS; P/Maj. Michael Udal, OIC ng Balagtas MPS; P/Lt. Col. Julius Alvaro, OIC ng Baliwag MPS; P/Maj. Leopoldo Estorque, Jr., OIC ng Bustos MPS; P/Lt. Col. Wendel Arinas, OIC ng Calumpit MPS; P/Lt. Col. Isagani Enriquez, OIC ng Guiguinto MPS; P/Maj. Gregorio Santos, OIC ng Obando MPS; P/Maj. Karl Yuzon, Jr., OIC ng Paombong MPS; P/Lt. Col. Allan Palomo, OIC ng San Jose del Monte CPS; P/Lt. Col. Luis Guisic, OIC ng San Rafael MPS; at P/Maj. Michael Santos, OIC ng 2nd PMFC.
Bahagi ang pagbalasang nagsimula noong 7 Ener0 ng normal procedure sa PNP na ang mga 0pisyal na nagsilbi at naitalaga sa kanilang mga nasasakupan ng mahabang panahon ay pinapalitan upang maiwasan na maging pamilyar sa mga local officials.
Dagdag pa ni Ochave, habang papalapit ang May 9, 2022 National and Local Elections, ang Bulacan PNP ay mananatiling ‘apolitical and impartial,’ at hindi masasangk0t sa alinmang partisan political activities at sin0 mang tauhan nit0 na mapapatunayang lumabag ay mahaharap sa administrative sanctions. (Micka Bautista)