MA at PA
ni Rommel Placente
DAHIL sa pagpunta kamakailan ni Karen Davila at ng kanyang pamilya sa Boracay para ipagdiwang ang nakaraang holiday season, pinuna siya ng isang netizen.
Sabi ni @khalid.alsugair tungkol kay Karen, “All she does is travel and go out with her family to boracay.”
Hindi naman ito pinalampas ni Karen. Binuweltahan niya ang kanyang basher. Sagot niya rito, “@khalid.alsugair “all she does”??? Dude, I’ve been a full time working mother all my life. Don’t you dare make mothers feel guilty for wanting a vacation & wanting to spend time with their kids. Get a life man!”
O ‘di ba, pumapatol din si Karen sa kanyang basher? Nakakainis din naman kasi na punahin ang pagbabakasyon niya with her family .
At tama lang din naman ang sagot niya na siyempre, gusto niyang mag-spend ng panahon sa kanyang mga anak bilang isang ina, ‘di ba?