Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shanaia Gomez Albie Casino

Albie desididong ituloy ang sisig date kay Shanaia Gomez

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibongga

AMINADO si Albie Casino na hindi pa natutuloy ang sisig date nila ni Shanaia Gomez, na ipinangako niya online nang ma-evict ang dalaga sa Bahay ni Kuya. Naging malapit ang dalawa nang mapabilang sila sa celebrity housemates ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Wala, hindi pa siya nangyayari. Siguro ‘pag bumaba na ‘yung hype, ingay sa amin. We’re so busy now. I am so busy now,” sabi ni Albie sa interview niya sa Star Magic Inside News na mapapanood sa YouTube.

Ngunit desidido si Albie na maipatikim sa kaibigang si Shanaia ang masarap na sisig. Nasabi kasi ng dalaga na hindi nito gusto ang sisig.

On top of everything, as a friend, feel ko obligation ko ipa-try sa kanya ‘yung masarap na sisig. Kasi napakalungkot naman ng buhay mo kung puro pangit lang na sisig ‘yung natitikman mo,” ani Albie.

Sinabi ni Albie na crush niya si Shanaia. Pero hindi niya pipiliting magustuhan siya ng actress-host dahil sa idinidikta ng kanilang fans.

She’s a pretty girl naman. Attracted ako sa kanya. Nagulat lang ako, at my age, hindi na big deal ang crush. Sa nakikita ko, masyado pa siyang bata. To be honest, it’s kinda weird. I don’t want to feel her pressured na she has to like me because of the fans.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …