Tuesday , May 13 2025
Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto ng Beautéderm kabilang ang latest na Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters. Kaya naman nag­pasalamat siya sa Beautederm CEO at President na si Ms. Rhea Anicoche Tan. 

“Reiko and Kenzen ang new products ng Beautederm na favorite ko lahat, kasi useful talaga lahat for energy, immune system, pang-rest, at iba pa.

“Lahat ng products ni Ms. Rhea Tan ay top of the line. As a store/franchise owner, user and first ambassador ng Beautederm, masasabi ko na never akong napahiya ever since I started selling almost a decade ago. Lahat ng customers bumabalik at satisfied talaga,” masayang pahayag ni Ms. Alma.

Dagdag ng aktres, “Excited ako sa non-stop innovation ng Beautederm Corporation, nagsimula sa pagpapaganda ng panlabas/skin at tuloy na rin sa health & wellness. Saktong-sakto ang mga made in Japan na products nito na Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for energy, immunity & sleep/relaxation na lahat ay importante sa ating buhay.

“Kaya walang sawang pasasa­lamat namin sa aming CEO Rhea Tan, ang sarap tala­gang mapasali sa kompan­yang naggo-grow! She always surprises us ng mga ganitong pasabog at marami naman ang nabibiyayaan ng kanyang genius mind.”

Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-compliant at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Z Plus (Immunity Booster); Kenzen MeMax (Memory Booster), Kenzen VivaGen (Energy Booster); Reiko PrestoSol (Sun Protection Enhancer); Reiko Fitox (Digestion Enhancer); Reiko Slimaxine (Diet Enhancer); at Reiko SomNest (Sleep Enhancer) na puwede sa kabataan at adults na edad 18 years old pataas.

Hinggil naman kay Cobie, may mga plano na ang aktres sa pag-graduate ng anak.

Aniya, “Mas simple na ang plano ko for this year, siguro nagme-mellow down na. By December kasi ay magga-graduate na si Cobie, so kaunting push na lang. Mayroon na rin siyang nahanap na work doon, kaya talagang he will spread his wings na. So sa parenting aspect, guide-guide na lang, ‘di tulad noong bata pa siya na 24/7 tutok sa paghatid-sundo, assignments, etc.

“Ga-graduate siya sa Fordham NY and I’m a proud mother of a Dean’s lister! Mag-i-start siya dapat ng January sa work, kaso mukhang delikado pa bumalik doon.”

Patuloy niya, “Excited na rin ako sa chapter na ito ng buhay ko, kasi masasabi ko na may mababawasang stress at back to focusing on myself naman… mas focus na sa Beautederm store ko at sa pagiging active sa showbiz din.”

Si Ms. Alma ay mapapanood sa mini-series na False Positive at Lolong serye na pagbi­bida­han ni Ruru Madrid, parehong sa GMA-7.

About Nonie Nicasio

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …