Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Kylie Padilla

Ruru humataw agad pagpasok ng 2022

RATED R
ni Rommel Gonzales

TRENDING agad si  Ruru Madrid sa pagbubukas pa lang ng bagong taon, 2022.

Bumida kasi siya sa New Year specials ng dalawang magkaibang shows nitong nakaraang weekend.

Noong January 1, bahagi si Ruru ng fresh at brand new episode na unang handog ng real life drama anthology #MPKMagpakailanman na pinamagatang Sa Ngalan ng Anak.

Gumanap siya rito bilang may mental illness kaya naman itinuring niya ito bilang isa sa mga pinakamahirap na role na ginampanan niya. Bukod doon, co-star pa niya sa episode ang beteranong aktor na si Christopher de Leon.

This is one of the most challenging roles na nagawa ko sa buong karera ko.

“Isang malaking karangalan sa akin ang makatrabaho ang isa sa pinakamahuhusay na aktor sa ating bansa ang ‘Drama King’ ng Philippine Cinema Mr. [Christopher de Leon]. Gayundin sa aming direktor na si [Zig Dulay] para bigyan ng magandang takbo ang aming istorya at gabayan kaming mga aktor para bigyang buhay ang aming mga karakter.

“Ako [rin] ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng [#MPK] at sa [GMA Network] sa tiwala na ipinagkaloob sa akin para gampanan ang naturang karakter,” sulat niya sa kanyang  Instagram account.

Noong January 2 naman, pinakilig ni Ruru ang mga Kapuso sa balik-tambalan nila ng aktres na si Kylie Padilla.

Magkasama sila sa My Fairytale Hero, ang opening salvo ng weekend anthology series na Regal Studio Presents para sa 2022.

Sa fantasy rom-com na ito, gumanap si Ruru bilang Brando, isang binatang tila nabuhay mula sa isinusulat na istorya ni Jen, karakter naman ni Kylie.

Very happy naman si Ruru sa reunion project nila ni Kylie na itinuturing niya bilang isa sa kanyang mabubuting kaibigan.

So happy to work with this girl again,” aniya sa caption ng kanyang Instagram post.

Samantala kanyang New Year post sa Twitter, ginunita ni Ruru ang pagsisimula niya sa showbiz.

Layunin lang niya noon na kumita ng pera para sa kanyang pamilya, pero nahanap niya sa pag-arte ang kanyang “purpose.”

Nahanap ko ang pagmamahal sa pag arte—sa harap ng camera, makapagbigay buhay sa bawat karakter na ginagawa ko at higit sa lahat makapagbigay kasiyahan sa bawat manonood. Being an actor, our goal is to entertain people kaya po kami nasa Telebisyon, Pelikula, Entablado at maging sa Radyo,” sulat niya sa kanyang post. (ROMMEL GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …