Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quizon CT

Quizon CT aarangkada na sa January 9, sa NET25

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG ‘Quizon CT’ o Quizon Comedy Theater’ ang pinakabagong gag show ng NET25 na punong-puno ng mga nakakatawa at nakakaaliw na jokes at punchlines, ay aarangkada na sa January 9, 2022 at tuwing Linggo, 8:00 PM.

Literal na pinagsama ang ‘laugh’ at ‘trip’ sa comedy show na ito na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy.

Pinagbibidahan ito ng mga anak ng “King of Comedy na si Mang Dolphy, na sina Eric Quizon, Epi Quizon, at Vandolph Quizon.

Kabilang din sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon. Tampok din sa gag show sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth, at Billie Hakenson.

Base sa nakaka-aliw na teaser nito, hindi dapat palampasin ang Quizon CT every Sunday, kung gusto ninyong magtanggal ng stress at maglibang nang todo bago simulan ang panibagong week.

Ang naturang palabas ay sa direksiyon nina Eric at Epi. Bagong taon, bagong barkada ang magpapatawa sa inyo linggo-linggo! Tumutok na sa January 9!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …