INAMIN ni Kapuso actor Mark Herras na totoong naiyak siya habang nasa isang eksena ng Magpakailanman o #MPK sa Mars Pa More kamakailan.
Ito’y ibinahagi ng aktor matapos itanong sa kanya sa Lightning Laglagan segment ng naturang morning show kung kailan ang huling beses na siya’y nag-break down.
“Sa isang eksena sa taping ng ‘MPK (Magpakailanman).’ Parang I need to cry sa scene, naging totoo talaga.”
Paliwanag niya, “Sa first take, humingi si Direk… sabi niya, ‘Mark, I need another one.’ Nag-take two kami kasi gusto niya raw mas maramdaman ‘yung emotion.
“So, actually ang eksena kasi is hiniwalayan ako ng girlfriend ko pero ang kinuha kong emotion… I just remembered my parents noong namatay sila. So, as one na lang ‘yon.”
Ayon pa kay Mark, lubos ang kanyang pag-iyak at pumipiyok-piyok pa ang kanyang boses habang nasa eksena.
Aniya, “During the scene talagang iyak, iyak, iyak, as in. ‘Yung salita ko pumipiyok-piyok na ako, which is… I don’t do that everytime I do a crying scene. More on talagang acting lang pero humugot ako that time.”
Tinanong naman ni Mars Iya Villania-Arellano kung paano nakabitaw ang dating StarStruck Ultimate Male Survivor sa eksenang iyon.
“Pagka-cut, hinga lang. ‘Yun naman ‘yung kaya kong gawin, kaya ko naman bumitaw agad. Mabigat lang talaga after that,” sagot ni Mark.
Dagdag pa niya, “It’s been a while na humugot ako ng malalim talaga.”
Abangan ang mga hugot na acting ni Mark sa upcoming Artikulo 247ng GMA.
(Rommel Gonzales)