Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janus del Prado Ogie Diaz

Janus nakahanap ng kapamilya kay Ogie

HARD TALK
ni Pilar Mateo

AND speaking of nasirang pamilya, ito nga ang naging revelation ni Janus del Prado sa interview niya sa Kumpareng Ogie (Diaz) ko.

Over lunch  nakatsika ko si Ogie about Janus na tinanggap na nga niya under his management dahil nakita naman niya ang husay nito bilang isang aktor.

Marami nga ang napaiyak ng nasabing panayam na naibulalas ni Janus ang sama ng loob sa kanyang immediate family. Mula sa ina hanggang sa mga kapatid. Na iba ang turing sa kanya matapos ang mga nagawa at naitulong sa mga ito.

Naiku­wento nga ni Ogie na tinanggihan ni Janus ang honorarium na ibinibigay ng kanyang show sa aktor at nahihiya pa nga ito kahit ipinipilit niya na tanggapin na ang munting regalo.

Nakakita ng butas si Ogie to show his appreciation din kay Janus nang manawagan ito na naghahanap ng malilipatan. That is when he offered him to stay na muna in his condo unit na walang nakatira. Na malapit lang sa bahay ni Ogie.

Ang nakatutuwa kay Janus, tumutulong siya sa mga pagri-reserch sa mga kailangan for the show kaya natutuwa ang staff sa kanya. At bilang balik din daw sa akin, he helps din na mag-workshop sa mga bago ko namang talents sa acting. 

“No, wala kaming kontrata. Gaya rin sa amin ni Aiko (Melendez). Ang paniwala ko naman kasi, kung ayaw mo na eh, lumayas ka na. Si Liza (Soberano) who practically grew with me at sa simula pa lang eh, ako na ang naggiya ang may kontrata ako.”

Isa si Ogie sa titingalain lalo na ng mga kasama sa panulat, na sasabihin mong hindi nakalilimot dahil alam pa rin niya kung saan siya nagsimula. Na gaya pa rin siya ng mga kaharap sa salo-salong ‘yun sa kanyang 52nd Summer!

Siyempre, kahit nagseseryoso ang usapan, kinukudlitan pa rin ito ng ‘di matingkalang tawanan at babalik-balikan mo nga ang dekada ng pagsasamang kinamulatan!

Pamilya. Magkakadugo. Pero magkakalayo. Anong saysay?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …