Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomari Yllana Abby Viduya Anjo Yllana

Anjo at Abby kanya-kanyang parinig

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HANGGANG ngayon, wala pa ring nagsasalita o sumasagot sa mga tinutukoy ni Anjo Yllana sa kanyang cryptic messages tungkol sa mga umano’y lumoko sa kanya lalo na pagdating sa pera na may kinalaman sana sa pagtakbo niya sa CamSur na inatrasan na rin niya.

Pero sa mga nai-post nito na binubura naman din niya agad, matapos maibulalas ang galit, natutumbok ng mga nakababasa na tila kapatid niya na may karelasyon o girlfriend ang binubuntunan niya ng galit.

Dahil crypctic ang messages niya, hindi mo rin masasabi kung sino naman ang tinutukoy ni Abby Viduya sa kanyang mala-tulang mensahe in English sa kanyang post!

Sabi, “Look inside yourself, Words you use that stab like a knife, pierces more at your soul with each single strike.

“You plan  and you calculate your next vile attack, And when you do I won’t strike back, my life is a book I have nothing to hide.

“You boast of your endeavors and gloat with pride, how strange that someone like you can’t see, the damage you do to yourself and not me.

“When you look at a mirror, you look at hate, do you not see what will be your fate, for I live for truth and truth alone, lies from you I will not condone,

“I will not judge you, that is not my role, I intend to keep my good heart and soul, so for you i will say one last time, go get a life and stop meddling with mine!”

Masasabi na from the heart na nagpupuyos din sa galit ang pinaghuhugutan ng bubog  ni Abby ha!

Kaliwa’t kanan na ang mga panayam kay Anjo sa kanyang mga ipinahayag sa kanyang posts na hanggang ngayon eh, hindi pa rin niya malagyan ng mukha at pangalan. And just keeping the netizens guessing.

Pero, not the ones who know them.

Isa na namang magandang samahan ng pamilya ang sira!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …