Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laban kontra Omicron

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

HINDI pa rin tuluyang naglalaho ang saya ng pagkakasilang ni Hesukristo sa Bethlehem hanggang ngayon. Gayunman, abala ang ilang netizens sa ‘pagpapapako sa krus’ – kay Gwyneth Chua, ang kompirmadong nagkalat ng Omicron at binansagang “Poblacion Girl” ng Makati.

Nangako ang mga awtoridad na papanagutin ang dalaga sa hayagang pambabalewala sa pandemic protocols. Maliwanag na kailangan niyang panagutan, nang higit pa sa itinatakda ng batas, ang kinahinatnan ng kanyang pagiging iresponsable. Kombinsido ako, gayunman – nang walang pagtatanggol o pag-aabsuwelto – sa napakalupit na paraan ay natuto na siya sa nangyari.

Sinomang may konsensiya ay tiyak na magi-guilty sa panghahawa sa iba pang tao ng isang sakit na maaaring makamatay, lalo na at ang mga nahawaan ay kanyang mga kaibigan at ang pamilya nito.

Pero dapat, may natutuhan ang lahat sa trending niyang kuwento, mapagtatanto nating hindi lang naman siya ang nakagawa ng ganoong kapabayaan. Napakarami marahil ng mga ‘Gwyneth’ sa atin para bigla na lamang lumobo nang ganoon ang mga kaso ng COVID-19, mula sa iilang daan ay lumampas na sa 4,000 sa loob lang ng ilang araw.

Kaya sa halip na maging mga Poncio Pilato, mas mainam marahil na ang inaaksaya nating panahon sa pamba-bash at pagpapakalat ng meme sa social media ay ituon na lang natin sa pagsasagawa ng epektibong paraan, kaisa ang ating mga kamag-anak, upang magkaroon ng proteksiyon ang sarili nating komunidad laban sa banta ng Omicron.

Ang tinutukoy ko ay ang pagkombinsi sa mga maaari nating maimpluwensiyahan na magpabakuna na hangga’t maaari. Sa kasamaang palad, kahit ano pang pagmamayabang ang gawin ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., habang ibinibida ang mga ‘tagumpay’ ng administrasyong Duterte sa programa ng gobyerno sa pagbabakuna, nariyan pa rin ang katotohanang nasa 40 porsiyento lang ng ating populasyon ang protektado ng bakuna.

Huwag natin konsintihin ang mga kamag-anak at kaibigan nating balikbayan na gustong umiwas sa mandatory quarantine o magdaos ng malakihang pagtitipon na tuluyan nang naisasantabi ang mga kinakailangang pag-iingat. Bilang mga biyahero, dapat tayong maging responsable at disiplinado – kahit pa lahat ng nakapaligid sa atin ay hindi na sumusunod sa health protocols. Obligasyon natin ito sa ating sarili at sa ating pamilya na kasama natin sa bahay.

Marami pang kailangang gawin upang maresolba ang pag-aalinlangan ng iba sa pagpapabakuna. At dapat din na paigtingin ang pagbibigay ng boosters sa mga manggagawa, lalo na kung makikipagtulungan ang pribadong sektor. Dapat payagan ang mga kompanya na gamitin ang inimbak nilang bakuna para sa kani-kanilang empleyado. Mas okay ito at malilimitahan pa ang paglabas-labas ng mga kasapi ng bawat samahang pangnegosyo. Gawin ito nang mabilisan bago pa mag-expire ang mga bakuna.

Pinapapurihan ko ang railway sector sa pagbibigay ng antigen testing sa mga pasahero ng LRT at MRT na gusto at handang magpasuri. Malaking tulong ito upang matukoy kung gaano kabilis ang hawaan ng virus sa mga pasahero.

Minsan pa, umaapela ako kay Secretary Vince Dizon na pagsikapang gawing libre ang pagsusuri para sa mas maraming sektor nang mai-monitor natin nang wasto ang pagpapasa-pasa ng CoVid-19.

Alam nating lahat na ang Omicron ay usapin ng kung kailan ito makapapasok sa Filipinas at hindi ‘yung posibilidad na makahawa ito sa atin. Sinamantala natin ang holidays upang mag-relax at magsaya. Ngayon, sama-sama nating taluning muli ang virus na ito.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …