Friday , November 15 2024

Babala ni Doc Willie
4th WAVE NG COVID-19 SURGE POSIBLE

010322 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAGBABALA si vice presidential candidate Doc Willie Ong na maaaring maranasan muli sa bansa ang CoVid-19 surge ngayong Enero hanggang Pebrero dulot ng Omicron variant.

Mas mabilis at malakas aniya makaha­wa ang Omicron ngunit mild ang sintomas nito kompara sa ibang variant.

“Ang duda ko halos lahat ay tatamaan in just a matter of time. Kaya kung lahat tayo ay tatamaan o 50% ng ‘Pinas ay tatamaan, it’s just a matter of time na may ano e, tatamaan tayo,” ani Ong.

“So ang gawin natin, protect ourselves at all times. Tulog, relax lang, positive lang kakayanin ‘yan, dasal, lahat ng dasal tatawagin natin at inom po ng vitamin C, inom ng Zinc, kung may combination, inom din ng vitamin B o kung anoman juice na healthy na gusto ninyo, ngayon ang tamang panahon this two months kasi hindi mo alam kung sino ang matatsam­bahan,” dagdag niya.

Pero posible aniyang simula sa Marso ay bababa nang konti ang CoVid-19 cases hanggang bumaba na.

Ito aniya ang maitu­tu­ring na ika-apat na wave na mararanasan sa bansa at ang pinkahuli o ang third wave ay noong Agosto hanggang Oktu­bre dulot ng Delta variant.


FACE-TO-FACE CLASSES
SA NCR ‘KANSELADO’

SINUSPENDE ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes sa Metro Manila kasunod ng pag-iral ng Alert Level 3 sa rehiyon simula ngayon bunsod ng paglobo ng kaso ng CoVid-19.

“Face-to-face classes for pilot schools in NCR are suspended until the alert level reverts to Level 2,” ayon sa advisory ng DepEd kagabi.

Matatandaan, may 28 public schools sa Metro Manila ang pinayagan noon nakaraang buwan na magsagawa ng limited in-person classes nang ibaba sa Alert Level 2 ang rehiyon.

“Face-to-face classes in pilot schools in areas under Alert Levels 1 and 2 shall continue in the meantime that DepEd finalizes its report on the pilot face-to-face classes,” sabi sa advisory.

Isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 3 ang NCR mula 3 – 15 Enero 2022 sanhi ng mabilis na pagtaas ng kaso ng CoVid-19 sa bansa.

Naitala kahapon ang 4,600 kompirmadong bagong kaso ng CoVid-19 sa Filipinas.

Kaugnay nito, iniutos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang 3-day work suspension sa Supreme Court mula Enero 3 -5 dahil maraming Court personnel ang nagpositibo sa CoVid-19 antigen testing.

Habang isinara muli ng Baguio City ang kanilang borders sa mga turista simula kahapon dahil sa pangamba sa Omicron variant ng CoVid-19.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …