Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zhang Zhan China

Malalayang mamamahayag naglalaho sa China — RSF

JOHANNESBURG, SOUTH AFRICA — Ayon kay Human Rights Watch (HRW) China programme director Sophie Richardson, kailangang panagutin ang mga Chinese authority na responsable sa arbitrary detention, torture o ill-treatment at pagkamatay ng mga taong nasa kanilang kustodiya na biktima ng mga krimen laban sa sangkatauhan at paglabag ng human rights.

Kasunod ito sa paghatol kay citizen journalist Zhang Zhan ng apat na taong pagkakabilanggo dahil sa mga akusasyon ng “picking quarrels and provoking trouble” sa pag-post niya ng mga video sa YouTube ukol sa (coronavirus) pandemic.”

Naglakbay si Zhang sa Wuhan noong Pebrero ng nakaraang taon at ginawan ng recorded na pag-aaral at pagsusuri ang CoVid-19 pandemic at gayondin ang pagresponde ng mga lokal na awtoridad dito sa kanyang Smartphone.

Tatlong buwan makalipas noong Mayo, dinakip ang dalaga ng mga awtoridad sa Beijing at noong Disyembre, hinatulang siyang makulong.

Nitong nakaraang buwan, sumama na rin ang United Nations (UN) sa maraming mga organisasyon sa buong mundo na humihiling sa paglaya ng 38-anyos mamamahayag.

Pinangangambahan ng pamilya ni Zhang na maaaring agaw-buhay na ang dalaga sa pagbagsak ng kanyang kalusugan sanhi ng mga hunger strike na kanyang ginawa habang nakadetine.

Nag-tweet ang kanyang kapatid na lalaki: “She is so stubborn. I think she may not live long. If she doesn’t make it through the cold winter, I hope the world will remember her as she was.”

Isa si Zhang sa mahigit 10 press freedom defender na kasalukuyang nakakulong sa China, batay sa huling ulat ng Reporters sans Frontières o Reporters Without Borders (RSF).

Idinagdag ng grupo, kapag hindi pinalaya sa nalalapit na panahon, mahaharap ang mga mamamahayag sa kamatayan.

“We are of course calling on the Chinese regime to release them immediately. But, in the longer run, our fear is that if this continues in China, there will not be a single free journalist left in China because the system of information will be so rigged,” wika ni East Asia Bureau head ng RSF na si Cédric Alviani. (Kinalap ni TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …