Sunday , December 22 2024
Ronnie Liang Sa Paskong Darating

Sa Paskong Darating ni Ronnie patok na patok

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA sa pinakamasipag na celebrity frontliner si Ronnie Liang, at sa ikalawang taon ng pandemya na dulot ng COVID-19, tuloy pa rin ang pagre-record niya ng mga kanta, maging ang pagpo-produce niya ng mga kanta.

“Para at the same time, at least I still have something to offer sa mga supporter ko, sa fans ko. 

“Kagaya nitong recent release ko, ‘yung mga Christmas song, kasi thru this way ma-uplift ko ‘yung morale, ‘yung kalooban ng mga kababayan natin by serenading them with my Christmas songs. 

“’Yung Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko,’ I like the message of the song. ‘Ngunit kahit na anong mangyari, Ang pag-ibig sanay maghari, Sapat nang si Hesus ang kasama mo, Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko,’” pa-sample na pagkanta pa ni Ronnie ng isang stanza ng naturang awitin.

“At saka ‘yung ‘Sana Ngayong Pasko,’ na ang  message eh, ’Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako.’

“Well, although that song was designed para sa magkasintahan na itong panahon ng Pasko magkasama-sama, pero ako ginawan ko siya ng ibang message na, ‘Sana ngayong Pasko, bawat pamilyang Filipino magkasama-sama.’

“And lalo na noong panahon ng pandemya we were all divided o pinaghiwa-hiwalay tayo ng pandemya, hindi tayo makabisita sa mga mahal sa buhay.

“Pero thank God, the message niyong pagsasama-sama bilang iisang pamilya, kahit hindi pamilya, magkakaibigan, magkakasama sa work, nangyayari especially this… ngayong pababa na ‘yung trend ng pandemya, plus ‘yung araw ng Kapaskuhan.

“Kasi ako naniniwala ako na ang Pasko hindi lang about sa regalo, hindi lang about sa mga bonus, but ‘yung parang reunion  ng mga magkakapamilya, pagsasama-sama ng mga pamilya, ‘yung mga OFW (overseas Filipino workers), kaya ginawa rin namin ‘yung ‘Sa Paskong Darating.’

“Sana ngayong Pasko higit pa sa regalong matatamo, pag-ibig mo ang hinahanap ko, ang mahagkan at mayakap kita sa araw ng Pasko,” ang muling pagsa-sample ni Ronnie, this time ng orihinal na Christmas song na Sa Paskong Darating.

“’Yung message pong ‘yun ginawa ko naman siya, ini-release ko para rin po sa mga OFW na siyempre, nagsasakripisyo sila, lalo na ‘yung iniwan nila ‘yung pamilya nila para makapaghanap-buhay para sa pamilya nila.

“Kaya sa Paskong darating iyon nga, magkasama-sama talaga.”

Isang seaman ang sumulat ng Sa Paskong Darating.

“He submitted me the song and ginawan namin ng areglo and ini-release namin siya and ang lakas niya sa online ngayon.

“It was first released same season last year, pandemic na rin.”

Maaring i-download ang mga nabanggit na kanta ni Ronnie sa sari-saring online music platforms.

Walang pumilit kay Ronnie na maging isang frontliner.

“Nag-show ako ng intent, as an Army Reservist, and actually, noong panahon na ‘yun, nagpadala ako ng message sa headquarters, kung paano ako makatutulong, hanggang iyon na, may natanggap na akong order na, ‘If you’re willing, would you like you join the movement…’

“Hatid-sundo sa mga health workers was the first mission and then pagdi-distribute ng mga food pack sa mga matinding tinamaan ng pandemya.

“’Yung ayuda na mga pagkain. Nagsasandok din ako ng kanin, ulam.”

May pagbabago na sa mga kaganapan.

“Ang pagkakaiba kasi ngayon, may bakuna na. And although maraming banta kahit noon pa, mas matindi ang banta noon kasi walang bakuna.

“Pero ngayon, madami ng mga naglabasang vaccines, thank God sa ating mga scientist, an answered prayer, and kompleto na rin ako ng vaccines, at tsaka flu and pneumonia vaccine.”

Regular na napapanood si Ronnie bilang isa sa mga hurado ng Sing Galing! ng TV5 at Cignal Entertainment na umeere Monday, Tuesday and Thursday (6:30 p.m.-7:15 p.m.) at tuwing Saturday, 6:00 p.m.-7:30 p.m..

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …