Monday , December 23 2024

Notoryus na tulak nasakote sa Nueva Ecija

Sa patuloy na operasyon ng mga awtoridad kontra kriminalidad, nadakip ang isang pinaniniwalaang talamak na drug peddler nitong Linggo, 19 Disyembre, sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, provincial director ng Nueva Ecija PPO, ikinasa ang buybust operation ng mga operatiba ng Gapan CPS na nagresulta sa pagkakadakip ng hinihinalang notoryus na tulak ng ilegal na droga.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang .45 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,060.

Kasalukuyan nang nakakulong ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nakatakdang isampa sa korte. (Micka Bautista)  

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …