ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio
ISA sa rason ng pagdalaw sa Filipinas ni Rozz Daniels ay para plantsahin na ang kanyang debut single titled Alay Sa Iyo na nilikha ni Ivy Violan ang lyrics.
Nagkuwento si Ms. Rozz sa kanyang naturang single.
Wika ng tinaguriang Soft Rock Diva, “Ang song na Alay Sa Iyo ay ang adaptation ng Hopelessly Devoted To you at si Ms. Ivy Violan ang gumawa ng lyrics.
“I am set to record two songs Alay sa Iyo and Bakit this December 15 sa Amaresian Recording Studio. Not sure pa kung kailan ilalabas, I’m guessing and hoping this coming year 2022, under Viva Records.”
Nalaman namin na two songs pala ang ilalabas niya. May plano rin ba siyang maglabas ng album na may physical copies?
“Hindi lang Alay Sa Iyo, kasabay na rin ang kanta na bagong compose ni Ms. Ivy, na ang title ay Bakit. So, bale dalawa, kasi I don’t have much time left here in the Philippines, kaya dalawa na kaagad.”
Dagdag niya, “Yes, I would love to have a physical copy talaga and I’m sure naman my management will handle the rest.”
Lahat ng singers, dream na magkaroon ng single at album, ano ang nafi-feel niya na finally, matutupad na ito via Alay sa Iyo?
Saad niya, “Masaya ang feeling na hindi ko mai-explain sa sarili ko. I am also nervous kasi baka hindi ko mai-deliver perfectly. And of course I am very grateful… unang-una kay God, sa mga blessings Niya sa akin. And I always believed na one day, my dreams will come true kahit matagal din ang hinintay ko.
“Timing is everything talaga in God’s way kaya patience is the key talaga. I’m also thankful sa mga taong nakapaligid sa akin at sumusuporta, kasi sa kanila ako kumukuha ng lakas ng loob at inspiration. Thank you and May God bless us.”
Si Ms. Rozz ay regular na napapanood sa KUMU sa The Rocks & Rozz show tuwing Sabado, 10 am to 1pm. Kasama niya rito sina Blessie Cirera, ang younger sister ni Rozz na si Analyn Torregoza, Jerome Sangalang, Derf Dwayne, at Harold Evangelista.
Incidentally, Congrats kay Ms. Rozz sa natanggap na award bilang Most Promising Female Rock Diva of the Year sa Phoenix Excellence Awards 2021.