FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
ALL’s well that ends well na sina Nadine Lustre at ang management company niyang Viva Artist Agency headed by Veronique Del Rosario-Corpus.
Nagpahayag na ang mga abogado ng aktres na tatapusin na nito ang kontratang pinirmahan hanggang Disyembre 2029.
Base sa official statement na inilabas nina Atty. Gideon V. Pena at Eirene Jhone E. Aguila nitong Disyembre 10, Biyernes sa Twitter, “Nadine and Viva Artists Agency have settled their legal issues under terms that are fair and mutually beneficial.
“Nadine and Viva have agreed to continue their professional relationship on an exclusive basis until 31 December 2029 with Nadine retaining her rights to decide on matters in connection with her branding and image.
“To avoid future misunderstandings, both Parties have agreed not to make any further comment on the matter.
“For now, Nadine and Viva remain committed and focused on providing quality entertainment.”
Enero 2020 nang magpahayag si Nadine na aalis na siya ng Viva at siya na lang mismo ang magma-manage ng career niya bagay na inalmahan ng management company niya dahil nga may nakakontrata siya hanggang 2029.
Bago magtapos ang taong 2020 ay nag-file ng kaso ang VAA dahil sa patuloy na pagtanggap ng trabaho ng aktres na hindi ipinaaalam sa manager niya.
Ayon sa pahayag noon ng VAA, ”valid and existing agency and management agreement … by contracting independently with advertisers, promoters, and other third parties, in utter disregard of the exclusivity of her contract.”
Lumabas ang resolusyon ng Regional Trial Court noong Hunyo 2021 na nag-uutos na dapat tapusin ng aktres ang kontrata niya sa Viva hanggang 2029.
Samantala, natuwa naman ang loyalistang supporters ni Nadine dahil tiyak na maraming pelikulang gagawin ang aktres at sana magkaroon din ng concert.
Katatapos lang i-shoot nito ang pelikula ng Greed kasama sina Diego Loyzaga at Epy Quizon mula sa direksiyon ni Yam Laranas under Viva Films na nasa post production na at mapapanood sa 2022.