PINURI ng Palasyo si Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez sa pagbibigay ng kasiyahan sa sambayanang Filipino at karangalan sa bansa sa 70th Miss Universe pageant sa Israel kagabi.
Sa isang kalatas, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang paglahok ni Gomez sa Miss Universe ay nagpakita sa mundo ng kakaibang katangian ng Filipino women.
“The Palace commends Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez for bringing joy to our people and honor to our country at the 70th Miss Universe competition in Israel,” ani Nograles.
“A member of our armed forces, an athlete, and a youth advocate, Ms. Gomez is an inspiring figure whose participation in Miss Universe allowed the world to see what we in the country witness every day: the strength, grace, and beauty of the Filipino woman,” dagdag niya.
Hangad ng Palasyo ang tagumpay sa kanyang susunod na mga plano.
“We wish Beatrice all the best in her future plans and undertakings. We are all proud of you,” sabi ni Nograles
Ang 26-anyos Cebuana ay kabilang sa Top 5 sa katatapos na timpalak.
Ang aktres mula sa India na si Harnaaz Sandhu ang nag-uwi ng korona bilang Miss Universe. (ROSE NOVENARIO)