Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Harnaaz Kaur Sandhu, Marian Rivera, Urvashi Rautela

Miss India Harnaaz Kaur Sandhu itinanghal na Miss Universe 2021; Urvashi Rautela tinuruang magsayaw ni Marian

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPAINDAK ni Marian Rivera ang kanyang “new friend” na Indian actress at Bollywood star na si Urvashi Rautela na tinuruan niya ng kanyang dance craze na Sabay Sabay Tayo.

Sa Instagram  post ni Marian ay ipinakita ni Marian ang kanilang bonding moment ng co-judge at seatmate na si Urvashi sa 70th Miss Universe preliminary competition sa Eilat, Israel. May caption iyong, ”’Sabay-sabay tayo?’ Me to Urvashi Rautela, my new friend.”

Makikita rin sa Instagram ni Urvashi na proud niyang sinabi na si Marian ang kanyang favorite Filipina actress na sinabing, ”glows like the sun.”

Kasama si Marian sa female selection committee gayundin ang supermodel na sina Adriana Lima at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

Ipinakita rin ang todo-palakpak si Marian sa stage performance ng pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.

Umabot hanggang sa Top 5 si Bea at si Miss India Harnaaz Kaur Sandhu ang kinoronahang Miss Universe 2021.

Itinanghal namang first runner-up si Nadia Ferreira ng Paraguay at second runner-up si Lalela Mswane ng South Africa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …