Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

FPJ, bida ka pa rin sa buhay namin

SIPAT
ni Mat Vicencio

MAY kirot pa rin ang Disyembre sa kabila ng masayang simoy kapag sumasapit ang buwan na ito dahil sa Kapaskuhan, lalo na sa mga tagahanga, supporters, mga kaibigan at pamilya ng dinadakila nating hari ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe, Jr.

Maaaring masasabi ng iba na naka-move on na sila sa pagpanaw ng kanilang idolo. Pero tuwing sumasapit ang Disyembre, lalo na kung papapalapit ang ika-14 ng buwan, may lungkot pa ring nadarama kapag naaalala ang sinapit ni Da King.

Sa Martes ang ika-17 anibersaryo ng pagpanaw ni FPJ.  

Taong 2004 nang bawian siya ng buhay habang ginagamot sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City dahil sa stroke na nagresulta sa cerebral thrombosis at mutliple organ failure.

Hanggang ngayon ay nakikita ko ang mga sandaling nagkakagulo, nalilito, nangangambang pamilya ni Da King, ang mga kaibigan, mga kasamahan niya sa industriya at politika, at higit sa lahat ang mga tagahangang labis na nagmamahal sa kanya.

Sadyang malungkot ang mga sandaling iyon. At kahit sa mga sandaling ito, lalo na habang papalapit nang papalapit ang ika-14 ng Disyembre ay nakararamdam pa rin tayo ng kalungkutan at panghihinayang sa pagpanaw ng ating idolo.

Hanggang ngayon ay napapaisip tayo paano kung naging pangulo nga natin siya?  Paano nga kung hindi siya nadaya?  Ibang-iba siguro ang Filipinas ngayon.

Posibleng pagluluksa pa rin ang gagawing paggunita sa kamatayan ni FPJ. Para sa maraming nagmamahal kay FPJ, ang kawalang katarungan ng kanyang kamatayan ay lalo lamang magbibigay sa kanila ng inspirasyon para ituloy ang labang naiwan ni Da King.

Alam ng marami kung bakit binawian ng buhay si FPJ. Marami ang nagsasabing dinaya si FPJ ni GMA noong 2004 elections, at ito ang naging dahilan kung bakit pumanaw ang kanilang idolo.

Kaya nga, mga kaibigan at mga kapwa tagahanga ni FPJ, muli natin siyang alalahanin.  Sariwain muli natin ang kanyang ambag hindi lang sa mundo ng showbiz kundi sa ating mga personal na buhay dahil sa inspirasyon na ibinigay niya sa atin sa bawat pelikulang kanyang binuo at pinagbidahan.

Hayaan natin na ang kamalayan ng mahabang panahong kapiling natin si FPJ sa kanyang mga pelikula ay huwag natin payagang maglaho, at sana’y magpatuloy na mag-alab sa isipan ng bawat kanyang mga tagahanga.

Naniniwala tayong hindi pa tapos ang laban ni Da King.  Tayo ang magtutuloy ng kanyang laban kasama ng kanyang anak na si Senador Grace Poe na totoo namang malaki ang naiaambag para sa kabutihan nating mga Filipino.  

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …