Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza

Barbie speechless sa pagkakasali sa Mano Po Legacy

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUENAMANONG handog ng GMA Network at Regal Entertainment sa 2022 ang seryeng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Isa itong panibagong kuwento na hango sa iconic Mano Po film series.

Isa sa mga bibida Rito si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na big blessing kung ituring ang pagkakasama sa serye lalo na at wala siyang Chinese blood.

Bukod ito, batid din ni Barbie kung gaano kalaking cultural phenomenon ang Mano Po series.

“Sa totoo lang speechless ako noong nalaman ko [na bahagi ako ng serye] kasi nga we all know kung gaano kalaki talaga and kung gaano naging part na rin talaga ng movie industry ang ‘Mano Po.’ 

To be part of this ngayon na nasa small screen na siya, I am very proud and I’m very honored to be part of this show,” pahayag ni Barbie sa virtual media conference na ginanap noong December 10.

Gaganap si Barbie sa serye bilang si Steffy Dy, isang Filipino-Chinese na mula sa Binondo. Magiging bahagi siya ng mundo ng mayamang angkan ng mga Chan nang magtrabaho siya bilang assistant ni Cristine Chan, ang karakter ni Sunshine Cruz.

Abangan ang bagong kuwento ng pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese sa Mano Po Legacy: The Family Fortune sa January sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …