Sunday , December 22 2024
Malacañan

Pagpatay sa mamamahayag na ‘drug war correspondent’ kinondena ng Malakanyang

KINONDENA ng Palasyo ang pagpatay kay Jesus “Jess” Malabanan sa Calbayog City, Western Samar kamakalawa at tiniyak ang pamilya ng biktima na makakamit ang hustisya.

“We condemn in the strongest possible terms the tragic murder of Jesus “Jess” Malabanan in Calbayog City. The Presidential Task Force on Media Security is now looking into the incident and exploring all angles, including the possibility that the killing was related to his work as a journalist,” sabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa isang kalatas kahapon.

“We condole with the family, loved ones, and colleagues of Mr. Malabanan and assure them that the government will exert all efforts to ensure that those responsible are caught, charged, and convicted for this crime,” dagdag niya.

Hinimok ni Nograles ang sinomang makapag­bibigay ng impormasyon na makipagtulungan sa mga awtoridad upang kagyat na maparusahan ang mga pumatay kay Malabanan.

Si Malabanan, correspondent ng Reuters, Manila Times at Bandera, ang ika-22 journalist na pinatay sa ilalim ng administra­syong Duterte.

Si Malabanan ay ka­sa­ma sa pag-uulat ng drug war killings sa ilalim ng administrasyong Duter­te sa Reuters.

Ang naturang report ay nagwagi ng Pulitzer Prize award noong 2018.

Binaril sa ulo si Malabanan ng mga hindi kilalang gunmen habang nanonood ng telebisyon at nagbabantay sa kanilang tindahan.

Kahit magsasagawa ng sariling imbestigasyon ay nanawagan pa rin ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat upang matukoy ang mga salarin at tiyaking maipagkalooob ang hustisya sa isang biktima ng patayan.

“At the same time, we call on the government to urgently address killings and similar threats to media, who continues to form part of the working democracy,” ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia.

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na agad siyasatin ang marahas na insidente.

“If it’s work-related, we’ll do a parallel investigation,” sabi ni Guevarra, chairperson ng PTFoMS.

Habang ang Samar Police Provincial Office (PPO) ay magbubuo ng isang special investigation task group upang imbestigahan ang pagpatay kay Malaba­nan. 

(Rose NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …