Saturday , November 16 2024

9 pasaway tiklo sa police ops (Sa Bulacan)

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang siyam kataong pawang lumabag sa batas sa isinagawang operasyon ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 11 Disyembre.

Naaresto ang tatlong pugante sa inilatag na manhunt operations ng Bulacan 1st PMFC, Pulilan, Paombong, Guiguinto MPS; CIDG PFU Bulacan, 301st MC, RMFB3 at PNP AKG Luzon Field Unit na kinilalang sina Lony Arcagua ng Brgy. San Isidro I, Paombong, may kasong paglabag sa RA 9165; Ricardo De Leon ng Brgy. Tiaong, Guiguinto para sa kasong Serious Physical Injuries (RPC Art. 263); at Jeffrey Torres ng Brgy. Tabon, Pulilan,  para sa kasong Slight Physical Injuries. 

Kasalukuyang nasa kusodiya ng kani-kanilang arresting unit/office ang mga suspek para sa naaangkop na disposisyon.

Gayondin, sa isinagawang illegal gambling operation ng Malolos City Police Station (CPS), nadakip ang mga suspek na kinilalang sina John Alfonso Buenafe, Jeremie Gallego, Janeth Ninsao, at Jorem Pascual, pawang mga residente sa Brgy. Mabolo, Malolos, matapos mahuli sa akto sa ilegal na sugal sa baraha at nakompiskahan ng baraha at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Samantala, arestado din si Benjie Javier ng Brgy. Pitpitan, Bulakan, sa paglabag sa RA 10591, nakuhaan ng isang kalibre .22 revolver na kargado ng bala.

Sa isinagawang entrapment operation sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo na ikinasa ng Provincial Intelligence Unit of Bulacan sa lungsod ng Malolos, nasakote sina Joker Hagonos ng Brgy. Sumapang Matanda,at Erwin Piol ng Brgy. Mabolo, sa naturang lungsod.

Narekober mula sa dalawang suspek ang iba’t ibang mga palusot na imported/untaxed cigarettes at buy bust money na nakatakdang sampahan ng naaangkop na kaso sa hukuman.

 (MICKA BAUTISTA) 

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …