Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jak Roberto Rita Daniela Joel Lamangan Albie Casiño

Joel Lamangan balik sa pelikulang walang hubaran

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

GOOD news! Binasag na ni Joel Lamangan ang reputasyon n’yang na-develop ngayong pandemya  bilang direktor ng mga pelikulang matindi ang appeal sa mga bading at ‘di-bading na laging sabik na makita kahit ilang sandali ang pinaka-pribadong bahagi ng katawan ng mga lalaki. 

Halos magkakabuntot ang pagdidirehe niya ng mga mapangahas na pelikula gaya ng Lockdown, Anak ng Macho Dancer, Silab, Moonlight Butterfly, at Walker.

“Pambata ang bagong pelikulang ginagawa ni Direk Joel Lamangan sa Pampanga, ang ‘Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.’ bungad ng kaibigang Jerry Olea sa ulat n’ya sa entertainment website na PEP.ph.

Pangunahing bituin sa pelikula si Rita Daniela bilang isang guro na napadpad sa isang liblib na bayan, na ang mga bata ay tatlong taon nang natigil sa pag-aaral.

Nagka-engkuwentro kasi roon ang mga rebelde at militar, at ang mga bata ay nagtatrabaho na sa online gaming.

Pambata ang pelikula pero hindi ang titulo. Maiintindihan kaya ng mga bata ang salitang “madawag?” 

Eh ang buong titulo kaya na Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa naiintindihan man lang ng magiging adult viewers ng pelikula?

Kung tunog “madamo” sa inyo, ang  “madawag,” malapit-lapit na ‘yon na kahulugan ng “madawag.” Basta, hindi madaling pasukin at bagtasin (o sundan) ang madawag na daan. 

“Hindi maiintindihan,” pag-amin ni Direk Joel sa storycon ng pelikula noong Disyembre 3, ayon kay katotong Jerry. 

Paliwanag ni Direk Joel tungkol sa pelikula: “Kaya nga kailangan ng magulang, pampadami ng audience. Ang mga magulang ang magpapaliwanag sa bata.”

Patuloy niya, “Madawag, ano ba ‘yun? Ano ba ‘yung pinag-uusapan na ‘yan? Ano raw ‘yun? Eh, ‘di, pag-uusapan nila. 

“Ito ay isang uri ng pelikula na pag-iisipan ng mga manonood kung ano ba ang nais nating sabihin.”

‘Di naman siya nanibago sa paggawa ng pambatang pelikula. 

“Aba, mapangahas din ito! Kaya lang, hindi naghuhubad ang mapangahas dito!” bulalas na pagtutuwid ni Direk Joel.

“Ang mapangahas dito ay ang topic nito tungkol sa edukasyon ng mga kabataan. Iyon!

“Hindi naman mapangahas na kailangang magpakita ng puwet. Magpakita ng poklay. Hindi naman iyon ang kapangahasan lang.

“Maraming uri ng kapangahasan na dapat nating ipakita.Kapangahasan ng istorya. Ito ay isang uri ng pelikula na pag-iisipan ng mga manonood kung ano ba ang nais nating sabihin.”

Sina Jak Roberto at Albie Casiño ang leading men ni Rita sa pelikula.

Mapauso sana uli ni Direk Joel ang mga pelikulang mapangahas sa kakaibang paraan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …