Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Sison, Rey Valera, Dulce, Parol, bibingka at puto-bumbong

Parol, bibingka at puto-bumbong nina Marc, Rey, at Dulce extended

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KUNG tatanungin ang bawat isa ng mga hindi nila makalilimutang Pasko o Kapaskuhan sa buhay, halos iisa rin ang timbre ng kuwento ng mga icon na itinampok sa online concert noong December 6, 2021 ng Mulat Media nang makausap namin sa Café Alegria sa BGC.

Pawang lumaki sa hirap sina Marco Sison, Rey Valera, at Dulce

Si Marco, na sa probinsiya lumaki eh, masaya na kapag may Paskong magkakaroon ng kita ang ama’t ina para maipambili ng bagong t-shirt man lang.

Si Rey naman, dahil nakikitira lang sa kanyang tiyahin, at parang bolang pinagpapasa-pasahan nang maghiwalay ang mga magulang, napabilang sa koro ng simbahan. Sa likod ng bahay nila ng kanyang tiyahin matatagpuan ang sementeryo na ilang awiting naging hitmaker ang naisulat niya.

Si Dulce naman, ang mga karoling. Na kahit salat ang hapag, kuntento na sa pagsasama-sama ng pamilya.

Itong si Valera ang nakaisip na magsama-sama sila nina Marco at Dulce sa Parol,  Bibingka at Puto-Bumbong lalo na para sa ating mga OFW all over the world.

Dahil nga nasa panahon pa ng pandemya na hindi pa maaabot ang karamihan sa ating mga kababayan sa  iba’t ibang panig ng mundo, streaming online ang naging sagot sa pinlano nina Rey at Marco. At isinama ang dilag na si Dulce.

Marami silang mga alaala ng Pasko na pwedeng balikan pero mas gusto na lang na panatilihin ito sa bahaging ‘yun ng mga buhay nila dahil nagdadala ng bikig sa lalamunan.

At sa ngayon, ang diwa ng Pasko ay ang maibalik nila ang kasiyahan lalo sa ating mga kababayang nangungulila sa kanilang  mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga awitin nilang makapagpaparamdam pa rin sa tunay na diwa nito.

Paborito na ng Echo Jam Productions na kunin ang serbisyo ng mahusay na direktor na si Calvin Neria.

Ang claim to fame ni direk Calvin sa pag-mount ng big virtual concert ay ‘yung sa SB19. Na kinuha na ng iba matapos makita ang ginawa niya.

Pero dahil sa pandemya, na iginupo rin siya ng CoVid, maraming mga plano at mga bagay ang naantala sa buhay ni Direk na inakala niyang magiging katapusan na ng lahat.

Kaya naman, maraming realizations ang nabuksan sa isip at puso niya na ipinagpapasalamat niya sa Panginoon.

Now, he’s back!

Hindi na sila nahirapan sa pag-mount nito sa Teatrino kahit pa syempre miss ng artists ang feels ng live audience. Pero muntik bumaha ng luha sa Teatrino ng for the first time na makita ni Dulce ang live band.

“We will be singing some of our hits pa rin. Pero mas marami ang Christmas songs. Maiiyak kayo sa kasama naming choir, ang  Thessalonian Singing Ambassadors dahil na rin sa ginawa ng aming musical director na si Adonis Tabanda,” ani Marco.

Kumanta rin sila ng mga bagong tonong sikat sa airwaves now. Imagine-in mong bumirit ng Hindi Tayo Pwede si Valera.

“Ang maganda rito, extended na mapapanood siya. After December 6 until the 15th sa Pilipinas,” say ni Mama Dulce. ”Tutuloy pa ito on  December 16, 2021 to January 2, 2022 worldwide. Marami pa rin ang makakapag-enjoy for only $20!”

Parol. Bibingka. Puto Bumbong. Marami pa. Ang mga bagay na sumisimbolo sa panahon ng pagsilang ng Mesias.

Sa inyo, ano ang ang pinakamakahulugan at makabuluhang simbolo ng Pasko?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …