Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Miss Universe Israel

Marian mugto ang mata nang umalis; 10 maleta at 20 gowns bitbit pa-Israel

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI napigilan ni Marian Rivera na maluha nang magpaalam siya sa mga anak na sina Zia at Ziggy bago lumipad papuntang Israel bilang isa sa mga hurado sa Miss Universe pageant.

Sa Chika Minutereport ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras, sinabing dumating na si Marian sa Israel bago mag-5:00 p.m. nitong Martes.

Bago ito, namumugto raw ang mga mata ni Marian nang makita ng GMA News sa airport bago lumipad patungong Israel nitong Lunes ng gabi.

Ito kasi ang unang pagkakataon na mawawalay ng ilang araw si Marian kina Zia at Ziggy sa loob ng dalawang taon.

Hindi naman hinayaan ni Dingdong Dantes na lumipad na mag-isa ang kanyang asawa para mag-judge sa Miss Universe kaya todo-suporta siya kay Marian.

Ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram stories nitong Lunes ang sweet moments nila ni Dingdong habang nasa flight patungong Dubai bago tumulak pa-Israel.

Bahagi si Marian ng selection committee ng 70th anniversary edition ng naturang paligsahan.

Si Marian ang latest na Pinoy na uupo bilang judge sa Miss Universe, na isa sa longest-running at most prestigious pageant sa mundo.

Kasama rin nina Marian at Dingdong ang glam team ng Kapuso Primetime Queen at mga opisyal ng Triple A Management.

Dala nila ang aabot sa 10 maleta na naglalaman ng 20 outfits na pagpipilian para sa maraming events na dadaluhan ni Marian.

Mabilisan lang ang paghahanda nila sa mga outfit ni Marian, na halos mga lokal na designers ang gumawa.

Dagdag pa nila, naging hadlang din ang COVID protocols kaya hindi umabot ang ilang gowns mula sa ilang international designers. Pero nakapag-fit at naayos nila ang mga magiging look ni Marian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …