HARD TALK
ni Pilar Mateo
NAKARAY ako na panoorin ang full length movie ni Joaquin Domagoso na Caught InThe Act na ipinareha siya kay Andi Abaya.
Kung babalikan ang mga proyektong nagawa na ni Joaquin at naisama o naipareha na siya sa sari-saring leading ladies kumbaga, itong anak ni Yorme eh, sasabihin mong pasok sa banga ng magiging future leading man sa TV man o pelikula.
Did he pass sa acting niya rito?
Swak naman sa kanya ang character niya. Estudyanteng kengkoy. Marami pang ii-improve. Pero kung sa kiligan ang pag-uusapan, ang daming nakiliting fans sa sinehan noong nag-moment na sila sa pakyutan ni Andi.
Nasipa ang Yorme na pelikula ng tatay niya para siya sanang unang sumalang sa local films sa pagbubukas ng sinehan. Siya na ang pumalit sa tatay niya o ang pelikula niya.
Hindi naman nakadalo si Joaquin sa special screening ng pelikula niya.
Inaabangan nga kung sino sana ang ka-date niya.
May girlfriend na nga raw ba ang anak ni Yorme na isang Atenista? Na saksakan ng ganda at ubod ng talino pa.
May tamang panahon para ilantad siya. Parang ‘yung sabi lang ni Yorme sa anak niya. Magtapos muna ng pag-aaral para mapayagan siyang mag-showbiz.
Ang alam ko, hindi lang nakatuon ang pansin ni Joaquin sa showbiz. Parte siya ng mga kabataang kabilang sa Rotary Club of Makati sa kanilang Reviving Hope ng mga kasamang sina Princess Adriano, Nashden Mark Haley, at Lars Fanio.
Baka ‘yun ang isang side na pinaghahandaan naman kay Joaquin para sa medyo malayo pang kinabukasan din niya sa politika. Kaya, love has to take a backseat muna.
He takes after the Dad.
‘Yung pelikula ba? Tinapos ko naman. Because I wanted to see Joaquin’s projection, acting and blending sa mga karamihan eh, baguhan ding kaeksena. They gelled well.
Caught in the Act. Ang app na binuo ng mga estudyante to solve a crime. ‘Yun!