HATAWAN
ni Ed de Leon
“BARGAIN na ngayon si matinee idol, P20K na lang siya. Kapresyo na lang siya ng iba pang mga laos na ring male models na noong kasikatan akala mo ginto ang ibinebenta,” sabi ng isang tsismoso naming source.
Ang style raw ngayon ng mga bading, basta nakita ang dating sikat na matinee idol ay papakitaan lamang na may dala silang datung at sasakay na iyon sa kotse nila. Roon na magaganap ang milagro. Iyong mga dati na niyang suki, makita lang daw niya ang kotse ay nilalapitan na niya.
Noon daw kasikatan ni matnee idol, P50K na humihirit pa.