Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelika Santiago

Angelika Santiago, nag-enjoy sa pagbabalik-taping sa Prima Donnas-2

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA ang Kapuso teen actress na si Angelika Santiago dahil natapos na nila ang taping ng Book-2 ng Prima Donnas. Ang ilan sa tampok dito ay sina Aiko Melendez, Katrina Halili, Wendell Ramos, Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Sheryl Cruz, Bruce Roelandm, sa pamamahala ni Direk Gina Alajar.

Kinamusta namin si Angelika.

Tugon niya, “Better po, kasi nakapag-taping po ulit sa GMA, iyong Book-2 po ng Prima Donnas.”

Paano niya ide-describe nang sumabak siyang muli sa taping after nang mahabang panahon? May excitement ba or parang nangapa siya?

Aniya, “Siguro po may excitement and kaba! So, magkahalo po ang naramdaman ko talaga. Pero sabi nga po nila, okay lang daw po yun, hehehe.”

Aminado si Jelay (nickname ni Angelika), na nanibago siya nang nagbalik-taping.

Sambit niya, “Yes po, kasi lock-in po siya and mahirap po, kasi super layo sa bahay and matagal din.”

Pero, nag enjoy daw siya sa pagbabalik-taping. “Yes po, super nag-enjoy naman po! Kasi, mas lalo po kaming naging close nina Jillian, Will, Eli, Miggs, Julius, and si Bruce po.”

Nabanggit din niyang mas na-challenge siya sa role sa paparating na Prima Donnas.

Lahad ni Angelika, “Yes po! Super na-challenge po ako, kasi nahihirapan din po ako na 18 na ako and iyong role ko po bale… medyo bata pa rin po.”

Ano ang mga dapat abangang pasabog sa Book-2? “Super dami po, especially yung pagbabalik ni Kendra,” matipid na sagot niya.

Ayaw munang i-reveal ni Angelika kung may pagbabago ba sa kanyang role sa Prima Donnas.

“Hmm… siguro po medyo… may pagbabago, hehehe. Actually, ayaw ko pong i-spoil, hehehe. Abangan na lang po,” nakangiting pakli pa ng magandang teen actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …