HATAWAN
ni Ed de Leon
ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at video niya na nakikitang nakikipag-sex siya sa ilang male stars at models. Ang tsismis, talagang nagbabayad siya ng malaki para makunan niya ng video o pictures ang kanilang “date.” Mukhang iyon ang trip niya talaga.
Kasi nga naman kung magkukuwento lang siya baka hindi pa siya paniwalaan, kaya mabuti na ang may ebidensiya siya, pero paano kung manakaw ang kanyang cellphone kung saan naroroon ang lahat ng iyon?
Tiyak na malaking eskandalo ang mangyayari at marami ang madadamay. Kawawa rin naman ang mga naka-date niyang pumayag na mai-video niya. Isipin ninyo, kapalit ng kaunting pera maaaring masira ang career nila. Pero maimpluwensiya kasi ang showbiz gay, kaya hindi rin nila matanggihan. Natatakot din silang kung ayawan nila iyon ay baka harangin pa ang mga project para sa kanila.
Ha? Nakakapangharang ng projects? Eh di “executive” iyan?