Friday , November 15 2024

Quezon Gov. Suarez et al, kakasuhan ng plunder? Bakit?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SASAMPAHAN ng plunder o pandarambong si Quezon Province governor Danilo Suarez.

Teka bakit?

Mabigat na kaso ang pandarambong ha. Sa anong dahilan kaya para sampahan ng kaso ang ama ng lalawigan?

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman natin na kapag plunder ang pinag-uusapan ay malaking salapi ng bayan ang pinag-uusapan na puwedeng maanomalyang winaldas ng isang opisyal man o empleyado sa alinmang ahensiya ng pamahalaan.

So, bakit kakasuhan si Gov. Suarez? Anong nagawa niya? Mayroon bang masasabing winaldas ang gobernador sa kaban ng lalawigan na kanyang pinakamamahal? Nagtatanong lang po ha at hindi nag-aakusa.

Anyway, ito lang naman ay napaulat sa ilang pahayagan. ‘Ika nga sa ulat, siyam na Bokal ang maghaharap ng kasong plunder. Okey, maghaharap ha.

Kung susuriin ang napaulat, maghaharap sila ng kaso laban sa gobernador at sa ilang opisyal ng kapitolyo. Meaning, wala pang kasong isinasampa.

Oo maghaharap ng kaso ang siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kung sakaling ituloy (nina Gov. daw) ang pagpapalalabas at paggamit sa 2021 Annual Budget ng lalawigan. Hayun, conditional pala at ang malinaw ay wala pang kasong plunder na isinampa. Oo nga, di ba ang sabi sa ulat ay “mahaharap ng kaso.”

‘Yan ay kung sakaling gagamitin lang ang pondo. Okey malinaw ha na wala pang kasong plunder (sa ngayon) na kinahaharap ang gobernador at ilang opisyal ng kapitolyo.

Inililinaw lang po natin at hindi tayo nag-aakusa.

Pero bakit mayroong ganitong klaseng plano o masasabing banta laban sa ama ng lalawigan? Anong mayroon sa 2021 Annual Budget lalo na kapag itinuloy ang pagpapalabas at paggamit nito?

Sabi sa ulat, ang siyam na Bokal pala ay pinangungunahan ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana.

Hayun nga, magsasampa lang daw sila sa oras na gamitin ang annual budget dahil hindi pa raw ito nireresolba sa hukuman ang usapin hinggil dito. Gano’n ba? Teka, maalala ko, hindi ba ipinasa na ito kamakailan pero iyon nga lang sinasabi na apat na Bokal lang ang umatend sa hearing? Hearing ba ang tawag doon? Basta apat lang daw ang present nang aprobahan ang annual budget.

Sabi nga, ang panukalang 2021 Annual Budget ay hindi inaprobahan ng mga bumubuo ng Majority Bloc ng panlalawigang konseho dahil sa anila’y pagiging depektibo at kuwestiyonable nito.

Pero kamakailan lamang ay inaprobahan din ito ng apat na Bokal na bumubuo ng Minority Bloc, sa isang special session makaraang ang walong Bokal ay isinuspende ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government  (DILG).

O iyon naman pala e, inaprobahan na pala ng apat na Bokal na miyembro ng minority bloc. Ano pang problema roon?

Dahil sa pangyayari, ang mga nasuspendeng Bokal ay nagharap ng petition sa husgado dahil sa anila’y ilegal na pagdaraos ng dalawang special session ng apat na Bokal at ng Vice Governor at… sinasabi nila (batay sa ulat pa rin) na ilegal ang pag-aaproba sa annual budget para sa 2021 at 2022. Ganoon ba, kahit na dumaan ito sa special session? Paano kaya naging ilegal ito?

Sa panig naman ni Gov. Suarez, nanindigan ang ama ng lalawigan na legal ang ginawang pagpapasa sa annual budget ng Sanggunian. O, legal naman pala e, so, kung legal nga naman ay maaari nang gamitin ang pondo. Siyempre legal nga e. Pero sa siyam na Bokal, anila ay kuwestiyonable ang lahat.

Sabi sa ulat ni Bokal Ubana… “nasa pagpapasya ni Gov. Suarez kung itutuloy niya ang paggamit sa annual budget kahit nagsampa na kami ng petisyon sa hukuman upang linawin ang legaledad nito. Kung itutuloy niya, kami namang walo kong kasamahang Bokal sa Majority Bloc ay magsasampa ng kasong plunder laban sa kanya at sa kanyang mga department heads na susunod sa mga iuutos niya para ma-release at magamit ang budget.”

Ayaw natin husgahan ang nangyayari ngayon diyan sa lalawigan ng Quezon hinggil sa kanilang pinagtatalunang ipinasang 2021 annual budget maging ang para sa 2022. Sabi ng siyam sa pangunguna ni Bokal Ubana, kakasuhan daw nila si Gov at iba pa kapag ginamit ito habang sabi naman ni Gov. Suarez, legal ang pagpapasa sa annual budget. Kaya kung susumahin ang pagsasabi ni Gov Suarez na legal ito, ibig sabihin ay puwedeng-puwede itong gamitin para sa mga pangangailangan ng lalawigan habang iginiit naman ng walong Bokal na ilegal ang pag-aproba nito.

O mga suki, kayo na ang bahalang humusga ha, basta tayo ay nagtatanong lang…at nagsasabi na ‘maghaharap’ pa lamang sila ng kaso laban kina Gov. kung sakali. Oo, conditional pa ang lahat at malinaw na wala pang kasong isinasampa laban kay Gov. Suarez.

Sino kaya ang papanigan ng hukuman? Abangan!

Gov Suarez, ano pong sey ninyo?

Eleksiyon na nga!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …