Tuesday , November 19 2024

Goloran kampeon sa Atty. Ellen Nieto over the board chess tournament

GINIBA  ni Jhulo Goloran ang lima niyang nakaharap  para pagharian ang  Atty. Ellen Nieto Over The Board Chess Tournament na sumulong sa Goldland Chess Club, Village East sa  Cainta, Rizal nitong Sabado.

 Tumapos si Goloran ng 5 points para maibulsa ang top prize P2,500 ayon kay tournament manager Anthony Avellaneda.

Bida rin si  National Master Al-Basher “Basty” Buto na nasa second spot na may 4 points tungo sa runner-up prize P1,500.

Kilala sa tawag na”Basty” sa chess world ay grade six pupil ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal.

Nasa third place si Aaron Domingo na may 3.5 points para mapagtiyagaan  ang P1,000.

May 3.5 points din sina Errenz Denisson Calitisin at Alejandro “Doods” Segales.

Ang mga category winners ay sina Salvador “Bobby” Dela Paz at Winson Perez (Top Senior), Abdul Rahman Buto (Top Highschool), Mar Aviel Carredo (Top Elementary), Anthony Pebenito (Top PWD), Gene Kenneth Estrellado (Top College), Rohanisah Buto (Top Lady) at Alysah Buto (Top Youngest).-

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …